Chapter 36: Wife

1.4K 45 7
                                    

Chapter 36: Wife

Kylie's POV

Pagkatapos kong sabihin sa kaniya 'yon ay agad na akong umalis. Alam ko na kahit na hindi siya nagsasalita ay naiintindihan at isinapuso naman niya ang lahat ng sinabi ko sa kaniya.

Sana enough na 'yon para maliwanagan siya na mali ang ginagawa niya sa anak niya. Blake doesn't deserve to be treated that way.

Speaking of Blake.. hinahanap ko siya ngayon pero hindi ko siya makita. Saan kaya nag punta ang isang 'yon?

Tinatanong ko ang mga empleyado rito kung nakita ba nila si Blake pero halos lahat ng pinagtanungan ko ay hindi alam kung na saan siya.

Saan ka ba nagpunta, Blake?

Nagtanong ako sa guard ng kompanya, ang sabi niya ay lumabas daw si Blake. Mukhang galit na galit nga raw eh.

Tinanong ko kung saan siya posibleng mag punta pero hindi niya raw alam.

Hays, mababaliw na ako rito. Saan kaya nagpunta ang isang 'yon?

Napagpasyahan ko na pumunta ng office. At nang pumunta ako sa aking office ay tumutunog ang cellphone ko na nasa mesa.

Agad ko 'yong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag.

Mr. President is calling you.

Napangiti ako, mabuti naman ay naisipan niyang tawagan ako. Saka, hindi ko pa pala napapalitan ang name niya rito sa phone ko. Mapalitan nga mamaya.

Nakangiti kong sinagot ang tawag niya at nagulat ako nang hindi ko kilala ang boses ng nagsalita.

"Hello? Ma'am? Ikaw po ba si Kylie?"

Nagtaka ako kung bakit ang ingay ng background niya. Sino ba 'to?

"Uhm, yes.. why? Sino ka?"

"Nako, ma'am.. naaksidente po ang may ari ng phone na 'to.. ikaw lang po ang laman ng contacts niya.. kamag-anak ka po ba niya?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Naaksidente si Blake?!

"U-uhm, g-girlfriend po niya 'to, a-asan po kayo?" Naluluha kong tanong sa lalaki.

Nang sinabi niya kung na saan sila ay agad kong kinuha ang bag ko at tumakbo palabas ng kompanya. Nakita ko ang daddy ni Blake na papasok sa kotse niya.

"Mr. Jefferson!" Malakas na tawag ko sa kaniya.

Natataranta na ako ngayon at hindi ko na alam ang gagawin ko.

"N-naaksidente po si B-blake! P-puntahan po n-natin siya!" Pautal utal kong sabi sa daddy niya.

"What?! Tara! Puntahan natin siya!" Sabi ng daddy niya kaya agad akong sumakay sa kotse.

Sinabi ko sa kaniya ang lugar na sinabi sa'kin nung lalaki.

Habang nasa kotse ako ay hindi ako mapakali. Sana ay hindi malala ang nangyari sa kaniya.

Nang pumunta kami roon ay nagkakagulo na ang mga tao. Lumingon ako ng lumingon kung saan para hanapin siya.

At nakita ko ang katawan niyang duguan habang isinasakay siya sa Ambulansya.

"B-Blake!" Sigaw ko habang umiiyak.

Agad akong tumakbo papalapit doon sa ambulansya pero pinigilan ako ng ilang mga tao rito.

"BAKIT NIYO 'KO PINIPIGILAN?! BOYFRIEND KO 'YONG LALAKI NA 'YON!" Sigaw ko sa kanila.

"PAPASUKIN NIYO KAMI SA AMBULANSYA! AKO ANG TATAY NUNG LALAKI!" Narinig kong sigaw ng daddy ni Blake sa likuran ko.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now