Chapter 24: Danger

1.2K 31 3
                                    

Chapter 24: Danger

Kylie's POV

"Oh, edi tamang tama! Tayong apat! Let's go!"

"Ah, wait.. pu-punta kasi rito si Blake. Siya ang mag dri-drive para sa'tin." Sabi ko kay Kate.

Mga ilang segundo lang bago ko sinabi 'yon ay kaagad na may bumusina sa labas.

"Oh, siya na 'yon! Tara na!" Sabi ni Kate at nauna na siyang lumabas.

Ako naman ay inalalayan ko muna si manang at lumabas na rin kami.

Nang lumabas kami ay nakita ko ang naka pormang si Blake.

Naka long sleeve siya na white at naka shade siya.

Kahit ganoon lang ang porma niya, ay ang lakas pa rin ng dating niya.

Inalis niya ang shade niya nang makita niya si Kate.

"Ba't ka nandito?" Nakanuot na tanong ni Blake sa kaniya.

Agad naman siyang tinarayan ni Kate at sinabing..

"Pake mo? Sama ako!" Diretso niyang sabi.

Natawa naman ako.

"Blake, sama raw siya. Sige na.. please?" Pagmamakaawa ko sa kaniya.

Napabuntong hininga na lang siya bago tumango.

"Yun naman pala eh. " sabi ni Kate at pumunta na siya roon sa passenger seat.

Si Blake ang mag dri-drive. Naks, wala ng driver ah? Hahaha.

Kami naman ni manang ay sa likod.

Nakita ko na hindi masaya si Blake.

"So, saan tayo pu-punta?" Tanong ni Kate sa'min.

"Ewan ko d'yan." Simpleng sagot ko kay Kate.

"Mall muna tayo." Sabi ni Blake at nag start na siyang mag drive.

Habang nag dri-drive siya ay napapansin ko na panay tingin siya sa'kin.

"Hoy! Baka naman maaksidente tayo n'yan! Tumingin ka sa daan!" Sigaw ni Kate sa kaniya.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Blake at hindi nalang siya nagsalita.

"Eto ba ang presidente ng kompanya niyo?" Tanong sa'kin ni manang.

"Opo." Sagot ko.

"Napaka gwapong bata naman." Sabi ni manang at parang kinikilig pa.

Hays!

Hindi nalang ako nagsalita hanggang sa nakarating na kami sa mall.

Nang makarating kami sa mall ay panay ang dikit sa'kin ni Blake.

Nagulat ako nang kinausap siya ni manang.

"Ikaw pala ang presidente ng pinapasukang kompanya ni Kylie, buti nalang. Dahil mukha ka namang mabait at mapagka katiwalaan." Sabi ni manang sa kaniya.

"Ay nako, mabait daw." Singit ni Kate.

Agad nagbago ang ekspresyon ni Blake nang nagsalita si Kate. Pero hindi nalang niya 'yon pinansin at sumagot nalang kay manang.

"Salamat po." Pagpapasalamat ni Blake sa kaniya.

Napangiti naman ako.

"Ah.. pwede, C.R muna ako?" Sabi ko sa kanilang lahat. Kanina pa talaga ako na C-C.R

"Oh sige. Hintayin ka namin dito." Sabi ni Blake. Agad naman akong tumango.

Agad akong pumunta sa C.R para makapag-ayos.

Hold On (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin