Chapter 8: Hatid

1.7K 33 3
                                    

Chapter 8: Hatid

Kylie's POV

"Bakla ka ba, Mr. Blake P. Jefferson?"

Napatigil naman siya sa pagpi-pirma ng papeles. Nakita ko ang pagkabigla niya at saka biglang humalakhak.

What?! Bakit siya tumatawa?!

Hindi pa rin siya matigil sa paghalakhak at hinawakan pa niya ang tyan niya sa sobrang ka-katawa.

Tinitigan ko siya hanggang sa matapos ang pagtawa niya.

"Oh?! Tapos ka na ba?!" Masungit kong tanong sa kaniya at tinarayan ko siya.

"Ayusin mo kasi ang tanong mo, Kylie G. Mendoza, para naman hindi kita pagtawanan." Nakangiti niyang sabi sa'kin.

"Huwag mo nga ako ngitian ng ganyan! Bakla!" Sigaw ko sa kaniya.

"Bakla? Gusto mo bang patunayan ko sa'yo na hindi ako bakla?" Seryoso niyang tanong sa akin at habang tinatanong niya 'yon ay lumapit siya sa pinto at sinara 'yon.

"Huh?!"

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Ako naman ay tinitigasan ko ang mukha ko, at umaatras ako.

Nang wala na akong maatrasan pa ay napasandal nalang ako sa dingding. Inilagay naman niya ang kaliwang kamay niya sa dingding at tinignan ako ng mariin.

Gwapo sana ang isang 'to, bakla nga lang.

"Huwag kang manghinayang, Kylie. Dahil hindi ako bakla. I can unbotton this pants for you---"

Pagkasabi niya nuon sa akin ay agad nanlaki ang mga mata ko at tinulak siya.

"Manyak!" Sigaw ko sa kaniya at sabay akong umiwas ng tingin.

Mga ilang segundo lang ay humalakhak nanaman siya.

May sira ata sa ulo ang isang 'to, huh?

"Kanina sinabi mo sa'kin na bakla ako, at ngayon manyak na? Ano ba talaga?!" Tanong niya sa akin habang natatawa pa.

Pumunta ako sa lamesa niya at tinuro sa kaniya ang mga papeles.

"Pirmahan mo na nga 'to! You're just wasting my time!" Seryoso kong sigaw sa kanya.

"Ako pa talaga ah?"

Lumapit siya sa lamesa at tinuloy ang pag-pirma. Hindi ako makatingin sa kaniya ngayon. Saka bakit parang ang init dito?!

"Hindi ako bakla, Kylie. Dancing is my passion. At kung sa tingin mo ay lahat ng lalaking sumasayaw ay bakla, nagkakamali ka. Hindi ganoon 'yon. Minsan nga, sila pa 'yong magaling sa kam---"

"SHUT UP YOUR MOUTH! PIRMAHAN MO NALANG 'YAN!" Sigaw ko sa kaniya. Kung ano-ano pa kasi ang sinasabi. Nakita ko naman siya na umiiling lang at ngumingiti.

"Sir?" Nagulat ako nang may kumatok.

"Come in." Sagot niya.

Agad namang pumasok ang isang babae. Kung hindi ako nagkakamali, ay Secretary niya ito?

"Sir, eto na po pala 'yong pinatimpla niyong kape." Sabi nung babae at halata na parang kinikilig pa siya.

Tsss. Kinikilig ka na dito? Oo gwapo siya, pero bakla naman. Ewan ko, basta kahit anong sabihin niya bakla siya para sa'kin.

"Thanks." Simpleng sagot ni Blake nang hindi man lang tumitingin doon sa Secretary niya, nakatutok lang siya sa pagpirma ng mga papeles. Medyo marami kasi iyon.

Hindi pa rin umaalis ang Secretary niya at hindi ko alam kung naghihintay ba ng milagro 'to dito.

"You may go." Sabi ni Blake sa kaniya at tinignan ang Secretary niya. Agad naman namula ang mga pisngi ng Secretary niya. Hay nako.

Hold On (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن