Chapter 57: Trust

1.6K 42 31
                                    

Chapter 57: Trust

Kylie's POV

"Pero may isang line sa lyrics ng kantang 'yon ang hindi ko sinasang-ayunan."

"What line? Kantahin mo nga ulit."

"Sabi ko naman sa'yo lahat yan nagloloko."

"Hindi nga ba? 'Yan ang sabi niya sa'kin dati eh. Na.. ako lang, na hindi niya kaya kung wala ako.. na hindi niya ako i-iwanan. Actually, siya 'yong pinaka-matino na guy na nakilala ko sa buong buhay ko aside from my dad. Pero.. still.. nagawa niya pa rin akong iwan."

"And do you think, lahat ng lalaki ganoon?"

"Dalawang beses na 'kong naloko, magkasunod pa. Ano sa tingin mo ang magiging sagot ko? Syempre, oo."

"K-Kylie, p-pwede ba 'kong maging testingan mo?"

"Huh?"

"P-pwede ko bang patunayan sa'yo na hindi lahat ng lalaki nagloloko?"

Napapikit ako sa alaalang 'yon. Ano na, Blake? Ano na? Ang sabi mo sa'kin dati ay papatunayan mo na hindi lahat ng lalaki nagloloko. Pero, anong ginagawa mo ngayon? Anong ginagawa mo?!

Tumayo ako mula sa aking higaan. Nasa bahay ako ngayon. Dito ako nagstay buong mag-damag dahil baka hindi ko masikmura na makita si Blake roon.

Tinignan ko ang orasan. Umaga na pala. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakatulog dahil sa kaiisip ko kay Blake.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga ginawa niya habang wala ako.

Pupunta ako ngayon sa hotel na tinutuluyan namin ni Blake hindi para kausapin siya. Kundi dahil kukunin ko ang mga gamit na naiwan ko kagabi roon.

Pagkatapos kong mag-ayos ay agad akong pumunta sa aking kotse at nagsimulang mag-drive.

Nanlalamig ako. Hindi ko alam kung masisikmura ko ba siyang harapin siya ngayon. Pero, bahala na!

Nang makapunta ako sa hotel ay agad akong pumunta sa aming room. Agad kong pinindot ang code roon at bigla nalang akong pumasok.

Hindi ko nalang siya titignan at papansinin.

Nang makapasok ako roon ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Bakit nandito si Kate?!

Napalingon silang dalawa sa'kin. Bumaba ang tingin ko sa tyan ni Kate.

She is pregnant?!

"K-kylie." Nauutal na tawag sa'kin ni Blake.

"Uhm, Kylie. Nakauwi ka na pala. I just want to say---"

Hindi ko na pinatapos si Kate sa sasabihin niya.

"A-are y-you p-pregnant?!" Nauutal kong tanong sa kaniya.

Ngumiti naman siya sa'kin at nagbaba ng tingin sa tyan niya.

"Hmmm. Yes, 5 months." Nakangiting sagot niya sa'kin.

Pagkasagot niya no'n ay unti-unting tumulo ang mga luha ko.

Sinasabi ko na nga ba. Pag alis ko, hindi mapipigilan ang kakatihan ng dalawang 'to.

I'm sorry to say that. But, napupuno na kasi ako. Punong-puno na ko. Napapagod na kong umintindi.

"Kylie, it's not what you think. Hindi si Blake ang ama nito!" Sabi ni Kate.

"AT PAANO MO PAPATUNAYAN SA'KIN 'YON?" Sigaw ko sa kaniya.

"Kylie, wala ka bang tiwala sa asawa mo?! Hindi niya kayang gawin 'yon!" Sigaw sa'kin ni Kate.

Napatingin ako kay Blake na ngayon ay parang naluluha na.

"Tiwala? Kay Blake?" Tanong ko habang nakatingin ng diretso kay Blake. Nakatingin din siya sa'kin.

"Meron sana eh. Kaya lang nasira." Diretso kong sabi sa kaniya.

"Eh, sa akin?! Kylie?! Wala ka bang tiwala?! Oo, mahal ko si Blake noon. Pero, hindi ko naman kayang gawin sa'yo 'yon! Kaibigan pa rin kita!" Naiiyak na sabi sa'kin ni Kate.

"DON'T EVER TALK ABOUT TRUST, KATE! DAHIL WALA NA AKO NO'N SA INYONG DALAWA! MAG-SAMA KAYO!" Sigaw ko sa kanila. At agad akong tumungo sa kama para kuhanin ang mga gamit ko. Isang maleta lang ito at dalawang bag.

"K-kylie.. n-naniniwala ka ba t-talaga na k-kaya kong gawin sa'yo 'yon?" Rinig kong tanong sa'kin ni Blake mula sa aking likuran.

Hindi ako sumagot. Patuloy pa rin ako sa pagbubuhat ng mga gamit ko.

"K-kylie, w-wala k-ka na b-ba talagang t-tiwala sa'kin?" Nanginginig na tanong niya sa'kin.

Napalingon ako sa kaniya. Umiiyak na siya ngayon.

"BLAKE, MALAKI ANG TIWALA KO SA'YO. ALAM MO 'YAN! PERO ANONG GINAWA MO?! SINIRA MO, BLAKE! SINIRA MO! AKALA KO BA, PAPATUNAYAN MO SA'KIN NA HINDI LAHAT NG LALAKI NAGLOLOKO?! EH, DUMAGDAG KA PA SA KANILA EH! DUMAGDAG KA PA! DUMAGDAG KA PA! NAKABUNTIS KA PA! AT ANG MALALA SA BESTFRIEND KO PA!"

Pagkasigaw ko sa kaniya no'n ay agad tumulo ang mga luha ko.

"N-NAGTIWALA A-AKO S-SA'YO, B-BLAKE! P-PERO ANONG G-GINAGAWA MO PAGDATING KO R-RITO?! NAMBABABAE KA! AT N-NGAYON, M-MAKIKITA KO K-KAYO NI KATE NA B-BALIW NA B-BALIW SA'YO! NA NAG-UUSAP AT MALAKI NA ANG TYAN NIYA! A-ANONG GUSTO MONG ISIPIN KO, HA?! A-ANONG GUSTO MONG ISIPIN KO?! NA B-BAKA COINCIDENCE L-LANG ANG LAHAT?! B-BAKA H-HINDI NIYO NAPIGILANG D-DALAWA?! N-NA BAKA AKO TALAGA ANG M-MAHAL MO, P-PERO NANGAILANGAN KA S-SA IBA?! ANO BLAKE?! ANO?! A-ANONG GUSTO MONG ISIPIN KO?!" Sigaw ko sa kaniya habang humagulgol ako.

Hindi ko na talaga kaya 'to. Suko na ko.

Nakayuko lang si Blake ngayon at umiiyak.

"K-KYLIE! HINDI NGA SIYA ANG A-AMA NG DINADALA KO! B-BAKIT AYAW MO BANG MANIWALA?" Naiiyak na tanong sa'kin ni Kate.

"K-KATE, S-SA DAMI-DAMI NG P-PINAGGAGAWA MO SA'KIN. SA T-TINGIN MO, MANINIWALA P-PA KO SA'YO?!" Galit kong sigaw sa kaniya.

"AT SA DINAMI DAMI NG BABAENG NAHAWAKAN NETO, SA T-TINGIN MO M-MANINIWALA PA KO SA KANIYA? B-BLAKE, I-ILANG BABAE NA BA ANG N-NAKAMA MO HA?! I-ILANG BABAE NA BA ANG N-NAKUHA MO SA B-BAR?! ILAN NA BA?!" Galit kong tanong sa kaniya.

"TAMA NA!" Sigaw ni Blake sa'kin. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko ngayon at hindi ko mabasa ang emosyon niya.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"TALAGANG TAMA NA, BLAKE! TALAGANG TAMA NA! DAHIL HIHIWALAYAN NA KITA!" Sigaw ko sa kaniya at agad akong lumabas sa room na 'yon.

Bumuhos ang luha ko lalo nang bigla niya akong niyakap mula sa likuran ko.

Nabitawan ko ang dalawang bag na hawak ko.

"K-kylie.. p-please, d-don't leave me.. don't do this.. I will fix this, Kylie.. I will.. j-just please.. believe on me, Kylie.. please.. t-trust me." Umiiyak na sabi niya sa'kin.

Napapikit ako.

"T-tama na, B-blake.. t-tama na.. p-pagod na p-pagod na ko masaktan. P-pagod na p-pagod na ko. S-siguro, B-blake.. b-baka h-hindi talaga p-para sa'kin ang pag-ibig." Umiiyak kong sabi sa kaniya at unti-unti kong kinalas ang kamay niya na nakayakap sa'kin. Pagkatapos no'n ay agad akong lumakad palayo sa kaniya.

"K-KYLIE!" Tawag niya sa'kin pero hindi na ako lumingon pa.

To be continued.

Hold On (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें