Chapter 49: Lalaban tayo

1.3K 35 16
                                    

Chapter 49: Lalaban tayo

Kylie's POV

Habang papunta kami sa room ni Brylle ay may humarang nanaman sa'min.

Nagulat ako nang makita ko na 'yong babaeng kahalikan ni Brylle noon 'yon. Nakapang pasyente na damit siya.

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya sa'kin.

Binulungan naman ako ni Blake.

"Kilala mo 'yan?"

Tumango ako kay Blake.

"Ah, sige. Excuse me, C.R lang ako." Sabi ni Blake at umalis na.

Tinignan ko ang babae. Maganda siya. Maikli lang ang kaniyang buhok at medyo matangkad siya. Maputi rin siya at matangos ang kaniyang ilong.

"Doon tayo sa may garden." Sabi niya at nagsimulang maglakad. Sinundan ko nalang siya.

Napaka aliwalas dito sa garden. Napaka sarap ng simoy ng hangin.

"Dito ako pumupunta kapag masama ang loob ko." Napatingin ako nang nagsalita siya. Nakatuon lang ang pansin niya sa mga halaman dito.

"At dito kami nagkakilala ni Brylle." Sabi niya at bigla siyang tumingin sa'kin.

Kaano-ano ka ba talaga ni Brylle?

"You are Kylie G. Mendoza, right?" Tanong niya.

Tumango naman ako.

Nagulat ako nang umiwas siya ng tingin sa'kin at lumuha.

"A-Alam mo, K-Kylie.. napakaswerte mo." Umiiyak na sabi niya sa'kin.

"K-kasi ikaw.. m-mahal ka n-ni B-brylle.. 'yong t-totoong mahal." Sabi niya at umiiyak siya na tumingin sa'kin.

"P-paano ba maging i-ikaw, K-kylie? P-paano?!" Hagulgol niyang sabi sa'kin.

Napapaluha na rin ako. Bakit ba kasi ganito? Bakit parang halos lahat nalang ng taong nasa paligid ko nasasaktan.

Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at tumahimik siya at pagkatapos ng mga ilang minuto ay nagsalita siyang muli.

"I'm Jessica N. Flores, nandito ako para ipaliwanag ang lahat sa'yo. Dahil alam ko, naguguluhan ka na sa mga pangyayari." Sabi niya sa'kin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Alam ko, at alam ni Brylle na nakita mo kami noong araw na 'yon. 'Yong araw na umarte kami na naghahalikang dalawa." Walang emosyong sabi niya sa'kin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Umarte?

"Yes. Lahat ng 'yon ay pag-arte lang. Magaling ba kaming umarte?" Natatawang tanong niya sa'kin.

"Lahat ng 'yon pag-arte lang, pero para sa'kin lahat ng 'yon totoo."

Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot at sakit na nararamdaman niya.

"Nagkakilala kami rito ni Brylle sa hospital. Nandito siya nung araw na 'yon at sumisigaw siya. Ang paulit-ulit niyang sinisigaw ay ang pangalan mo."

Napalunok ako sa mga sinasabi niya.

"That day, nalaman niya na mayroon siyang brain cancer. At nung araw na rin na 'yon galit din ako sa mundo dahil mayroon din akong ganoong sakit." Sabi niya at saka tinanggal niya ang nasa buhok niya na... wig? Napanganga ako. May brain cancer din siya? Pero ang ulo niya ay mayroon nang mga iilang buhok. Para bang tumubo na sila.

Inilagay niya ulit ang kaniyang wig at saka nagsalita.

"Pero mas malala ang kaniya, dahil stage 4 na siya ngayon. While me, nasa stage 2 ako. And now, gumagaling na ako." Sabi niya sa'kin.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon