Chapter 42: Can't Imagine

1.3K 38 7
                                    

Chapter 42: Can't Imagine

Kylie's POV

Nandito ako sa may kwarto ni Blake. Sinusubuan ko siya ng soup. Habang sinusubuan ko siya ay hindi ko mapigilang isipin ang sinabi sa'kin ni Kate kahapon.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala na nagkaganoon si Kate dahil lang kay Blake.

"Kylie."

"Kylie!" Napatingin ako kay Blake nang tinawag niya ako.

"Oh?"

"Kanina pa kita tinatawag, hindi mo 'ko pinapansin. Anong problema? Bakit parang tulala ka d'yan?" Tanong niya sa'kin.

Napabuntong hininga ako bago sumagot.

"Wala."

"Hay nako, Kylie. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi mo 'ko maloloko?"

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Hays, sasabihin ko ba?

"What is it, Kylie? Please, let me know." Paki usap niya.

Nag ipon muna ako ng lakas ng loob para mag salita. Tumingin ako sa kaniya.

"Blake, hindi kasi ako makapaniwala na ganoon nagbago si Kate.. d-dahil sa'yo." Sabi ko sa kaniya.

"Bakit? Anong nangyari? Sinaktan ka ba niya? Ano?" Nag aalalang tanong niya.

Inilagay ko muna ang soup sa table at saka hinarap siya.

"Hindi, hindi niya ako sinaktan." Pagsisinungaling ko.

"Eh, ano?"

"Hinihiling niya kasi sa'kin kung pwede bang ibigay nalang kita sa kaniya." Diretso kong sagot. Napalunok ako.

Napairap naman siya.

"Ano ako? Bagay? Na ibinibigay nalang sa iba? I can't believe that girl. Akala niya naman kapag binigay mo ko sa kaniya eh magugustuhan ko siya. Sa ugali palang niya, ayaw ko na sa kaniya. Masyadong assuming." Mataray niyang sabi.

"Ano ka ba! 'Wag ka ngang ganyan! Kaibigan ko pa rin 'yon!"

"Kaibigan? Kylie, magising ka nga! Kaibigan pa ba ang tawag mo roon? Iniisip ko nga eh, baka sinadya niya 'yong pagkawala nang wallet niya para magkalayo tayo. Napahamak ka pa dahil sa puppy love ng babaeng 'yon!" Galit niyang sabi.

Napasinghap ako. Hays, hindi ko na alam.

"Kylie, don't tell me na ibibigay mo ko sa kaniya? Don't tell me na nagbabalak ka na ngayon na iwanan ako para sa kaligayahan ng kaibigan mo? Hay nako! Huwag mong gayahin ang mga napapanood mo!" Sabi niya sa'kin.

"Of course not! Hindi kita ipamimigay 'no! Katulad ng sinabi mo, hindi ka naman bagay. Nagulat lang talaga ako sa pagbabago ni Kate. Hindi siya ganoon dati. Mas mature pa nga sa'kin 'yon dati, ewan ko ba!" Naguguluhan kong sabi sa kaniya.

"Kylie, kaya  siya nagkaganoon ay dahil mas pinapairal niya ang emosyon niya kesa sa utak niya." Sabi niya sa'kin.

"Pero alam mo? Natatakot ako sa babaeng 'yon." Dugtong niya.

"Huh? Bakit naman?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Eh kasi, para na siyang baliw. Parang anytime pwede siyang gumawa ng bagay na makakapaghiwalay sa'tin."

"Loko! Hindi 'yon baliw 'no! Saka, siguro naman wala siyang gagawin na ikakapahamak natin." Sabi ko sa kaniya.

"Bakit alam mo? Hindi na natin alam ang tumatakbo sa utak ng babaeng 'yon! Muntik ka na ngang mapahamak dahil sa kaniya noon. Hay nako, dapat pala talaga binalikan ko kayo roon. Ang tanga-tanga ko!" Sisi niya sa sarili niya.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now