Chapter 5: Reality

1.7K 44 4
                                    

Chapter 5: Reality

Kylie's POV

"MANANG!" Napasigaw ako nang natumba siya sa sahig.

Agad na tumakbo sila lahat pa-punta sa amin at isa na doon si Nick.

Nang makita kong hinahawakan niya si manang ay agad kong tinaboy ang kamay niya.

"IKAW ANG MAY KASALANAN LAHAT NG 'TO! KAPAG MAY NANGYARING MASAMA KAY MANANG HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO SA'YO!" Sigaw ko sa kaniya.

"KYLIE! TAMA NA 'YAN! ISUGOD NA NATIN SI MANANG SA HOSPITAL!" Sigaw sa akin ni Mommy.

Pinagtulungan naming dalhin si manang agad sa kotse at isinugod na namin siya sa hospital.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Pinagkatiwalaan ko si Nick but yet, nagawa pa rin niya 'yon kay Manang! Wala na ba talagang tao na pwedeng pagkatiwalaan ngayon?!

Habang nag hi-hintay kami rito para sa sa-sabihin ng doctor ay hindi ko mapigilang umiyak.

Manang doesn't deserve this! Bakit ba palagi nalang 'yong mga taong hindi deserve masaktan ay sila pa 'yong nasasaktan ng todo? Bakit ba hindi nalang 'yong mga taong nananakit ang masaktan ng ganto?

Life is really unfair.

-

Halos isang oras na kami naghihintay dito nang biglang nagsalita si mommy.

"Doc! Kamusta po?" Narinig kong tanong ni Mommy.

Agad akong napatayo nang tanungin iyon ni mommy.

"D-doc, ayos lang po ba siya? M-may nangyari po bang malala?" Tanong ko sa Doctor habang pinupunasan ang aking mga luha.

"Sa ngayon ay okay naman siya, pero kailangan na nating mag ingat. Dahil mayroong sakit sa puso ang pasyente."

Unti-unting pumatak ang mga luha ko nang narinig ko na mayroon siyang sakit.

"Kailangan niyang magpahinga sa ngayon, at kailangang inumin niya ang mga reseta na ibibigay ko sa kaniya. Bawal siyang ma stress, bawal siyang makaramdam ng lungkot, takot at iba pa. Dahil pwede niya itong ikapahamak."

"Copy, doc." Sagot ni Mommy.

Napaupo na lang ako at sinapo ko ang aking mukha.

Bakit sa lahat ng pwedeng magkasakit ng ganoon ay si manang pa? Hindi ko na talaga maintindihan ang buhay. Gulong-gulo na ako!

"Kylie, anak." Tawag sa akin ni mommy.

"Just be thankful dahil okay na siya ngayon. Kailangan lang nating mag-ingat para hindi siya atakihin at gumaling siya."

"N-no mom! It's so unfair! Bakit sa lahat lahat ng tao ay siya pa? W-why the world just let her happy? Na walang sakit.. na walang dinadamdam. Why it's so unfair?!"

"Anak, hindi ka dati ganyan. Ano ka ba, think positive lang!"

Napatayo ako sa sinabi niya.

"Hindi ako dati ganito?! Well mom, this is me. This is the new me! Kaya dapat ay masanay na kayo! Dahil ako na 'to, natuto na ko sa lahat ng katangahan na ginawa ko mom! Pagod na pagod na 'kong magpatalo at magpakatanga mom! Lalaban na ako! Lalaban na 'ko para sa inyo at para sa mga taong mahal ko. Just, please.. support me sa mga gagawin ko."

"But, Kylie.. you're so being hard. Don't be like that. Don't let your anger destroy you."

"Anger doesn't destroy me mom, but people. I am already destroy before my anger comes out and awaken me up in the reality. And I think, it helps me."

"Kylie."

"I'm sorry mom, but I have to go." Paalam ko kay mommy at naglakad patungo sa labasan ng hospital.

No one will change me again. Hinding hindi na ako ba-balik sa dating ako.

-
Gumising ako ng maaga ngayon para dalawin si manang sa hospital. Hays, this is the last day na magkakaroon ako ng kalayaan para pumunta kung saan-saan. Dahil bukas, ay simula na ng trabaho ko.

Naligo muna ako bago kumain at pumunta ako sa aking kotse para mag drive pa-puntang hospital. Habang nag dri-drive ako ay kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

Like, ano ba ang magiging ako in the future? Magiging successful ba ako sa kompanya na pa-pasukan 'ko? Ipagkakatiwala na ba sa akin ni Dad lahat ng pinag-planuhan niya?

Umiikot lang ang isip ko sa mga bagay na 'yan. Gusto kong tutukan ang mga makabuluhang bagay. I will not waste my time anymore here. Natuto na 'ko. Ang dami ko nang sinayang na oras para sa mga walang kwentang tao. Now, I want to focus in myself, to the people who is true to me, and to the people who will not waste my time.

Nang makarating ako sa hospital ay agad kong nilapitan si Manang at nilapitan siya..

"Ayos lang po ba kayo? May masakit po ba sa inyo? May kailangan po ba kayo?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

"Hay naku, Kylie! Huwag ka na masyadong mag-alala. Maayos na ang pakiramdam ko ngayon." Nakangiting sabi sakin ni manang.

"Nako, manang. Please, mag i-ingat ka po lagi. Lalo na, simula po bukas baka maging busy na ako kasi mag tra-trabaho na po ako."

"Mag tra-trabaho ka na? Saan? Masaya ako para sa'yo! Sa wakas, ay may magtutuloy na sa sinimulan ng iyong ama."

"Thanks po, manang! Pero, hindi po sa kompanya na daddy. Sa other company po, at Vice President po ako doon. Nakuha ko po ang posisyon na 'yon dahil sa karangalan na nakuha ko mula po sa America. Gusto ko nga po na President na eh, pero hindi raw po pwede. Hindi ko po alam kung bakit."

"Hay, kahit anong posisyon pa 'yan anak. Galingan mo! Para ikaw na ang magtuloy sa sinimulan ng Daddy mo okay?"

"Yes po! Gagawin ko po para sa inyo at para sa ating lahat! I love you po manang!" Nakangiti kong sabi kay manang at niyakap siya.

Parang pamilya ko na rin talaga si manang. Hindi ko kaya na wala siya. Siya ang isa sa mga tumulong sa akin sa lahat-lahat ng bagay. Siya ang timutulong sa akin kapag nadadapa ako. Kaya ngayon, siya naman ang tu-tulungan ko.

Kumawala ako sa pagkakayakap mula kay manang dahil tumunog ang cellphone ko.

Oh, I got a message. Nag palit na ako ng sim card kahapon eh.

Unknown Number:

Your work starts tomorrow at 9AM.

Napasinghap ako. This is it, Kylie. Welcome to the reality of life, that is only experienced when you start working.

To be continued.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now