Chapter 39: Ikaw na ang mahal ko

1.3K 37 5
                                    

Chapter 39: Ikaw na ang mahal ko

Blake's POV

Napabuntong hininga ako nang lumabas si Kylie. Ano ba naman 'to, pagkatapos ni Kate eto naman.

Sinara ni Dad ang pintuan. Nakatingin ako sa kaniya ng walang emosyon.

"A-anak.." tawag niya sa'kin.

Wow! For the first time in history, tinawag niya akong anak. Si mommy lang kasi ang tumatawag sa'kin ng ganyan dati. Eh, matagal na 'yon. So, ngayon ko palang ulit narinig 'yan. Na tawagin akong anak. Feeling ko kasi ngayon, wala na akong magulang eh.

Lumapit siya sa'kin. Namumugto ang mga mata niya.

"I-I'm sorry, a-anak.. p-patawarin mo ako." Nanginginig na sabi niya sa'kin.

Hindi ako sumagot.

"A-alam ko, na h-hindi ako naging mabuting ama sa'yo. At p-pinagsisisihan ko 'yon."

"Pinagsisisihan? Bakit, Dad? Dahil ba muntik na akong mamatay kaya ka nakokonsensya ngayon? Ang tagal na nating magkasama, ngayon mo lang naisip 'yan lahat?" Galit kong sabi sa kaniya.

I can't help it.. Damn! Oo, noon sunod-sunuran ako sa kaniya dahil tatay ko siya. Pero simula nung sinabi niya sa'kin, na dapat ako nalang ang namatay. Nasaktan ako ng sobra. Kung dati, 'yon nalang din ang hiling ko na mamatay nalang dahil hindi naman ako masaya. Ngayon, hindi na. Dahil dumating si Kylie sa buhay ko. Nagkaroon na ulit ako ng dahilan para mabuhay. At ipaglalaban ko 'yon.

"O-oo, B-blake.. inaamin ko. Napakalaki ng kasalanan ko sa'yo. P-pero, p-pinagsisisihan k-ko lahat ng 'yon. N-nagkamali a-ako, anak. Patawarin mo ako. H-hindi totoong wala kang kwenta, anak. Dahil a-ako! A-ako ang totoong walang kwenta! Totoo ang sinabi mo, B-blake. N-nabubuhay pa ako pero para na akong patay! At t-totoo rin ang sinabi sa'kin ni K-Kylie.. na m-maraming tao ngayon ang nagtatagumpay. P-pero hindi lahat sila ay namumuhay. At isa ako roon, a-anak." Sabi ni Dad habang umiiyak.

"Mabuti naman at naintindihan mo lahat ng 'yon, Dad. Matalino ka, Dad. Pero hindi mo alam kung paano mamuhay." Sabi ko sa kaniya at umirap sa hangin.

"K-kaya ngayon, i-itatama ko lahat ng p-pagkakamali ko. B-babawi ako sa'yo, a-anak. Patawarin mo lang ako."

Napatingin ako sa kaniya.

"Hindi ko alam, Dad. Hindi ko alam kung kailan at kung kaya pa kitang patawarin." Walang emosyon kong sabi sa kaniya.

Napayuko naman siya.

"Maghihintay ako, anak. Maghihintay ako." Sabi niya at saka lumabas sa pintuan.

Napaghawak ako sa ulo ko. Ang sakit! Bakit ba kasi umalis si Kylie? Dapat hindi nalang siya umalis para hindi na nagdatingan ang mga 'yun dito! Stress lang ang nadudulot nila sa'kin! I need Kylie right now. Siya lang ang kailangan ko ngayon.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa table at tinawagan ko si Kylie.

Agad naman niya itong sinagot. Napangit ako. Siya lang talaga ang nagpapasaya sa'kin ng ganito. Kahit presensya niya lang ay nababaliw na 'ko sa kilig. Iniisip ko nga ko nga rati kung bakla ba talaga ako eh. Kinikilig kasi ako pagdating sa kaniya. Hahaha!

"Hello? B-blake? Bakit? May nangyari ba? K-kamusta? Nagka ayos na ba kayo ni Sir Brake?"

Sunod-sunod niyang tanong sa'kin. Pero, bakit ganoon ang tono ng pananalita niya? Bakit parang umiiyak siya?

"Kylie? Are you okay? Bakit parang umiiyak ka?"

"H-ha? Hindi, a-ayos lang ako."

Kumunot ang noo ko. Nagsisinungaling siya.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now