Chapter 30: Suicide

1.4K 40 6
                                    

Chapter 30: Suicide

Kylie's POV

After 1 week...

Isang linggo na ang nakakalipas nandito pa rin ako sa kompanya nila Blake. I choose to stay here, dahil parang hindi ko kayang iwan 'to. Hindi ko alam kung ito bang mismong kompanya o may isang tao ang hindi ko kayang iwan.

Sa linggong 'to ay masagana ang kompanya. Marami kaming buyers dahil sa endorsement na ginawa namin ni Blake.

Mas maraming nakakilala sa Jefferson's Company.

Napangiti ako. Nag success ang lahat ng pinag hirapan namin.

Si Blake naman ay hindi ko masyadong nakakasama this past few days, dahil busy ata.

Kapag kinakausap ko siya o tinatawagan ko siya parang wala siyang gana lagi. Siguro ay pagod o di kaya ay may problema.

Nag inat ako at tinignan ko ang oras. It's already 6:00 P.M

I am already done in my work! Finally!

Inayos ko ang mga gamit ko rito sa lamesa at binitbit ko na ang bag ko.

Napagpasyahan ko na puntahan muna si Blake bago ako umalis dahil sigurado ako, nandito pa 'yon. Nagtanong kasi ako minsan sa guard dito kung anong oras umuuwi si Blake. Ang sabi niya laging late umuuwi si Blake this past few days. Hindi raw niya alam kung trabaho ba o ayaw lang niya talaga umuwi sa kanila.

Tinanong ko naman kung bakit niya nasabi na baka ayaw niyang umuwi sa kanila. Sabi naman nung guard, baka daw may problema.

Hindi ko nga maintindihan eh. Feeling ko talaga, hindi ko pa kilala si Blake.

Nang makarating ako sa office niya ay nagulat ako nang walang tao roon. Nakapatay ang ilaw.

Tinry kong buksan ang pinto at hindi naka lock 'yon. Huh? Weird.

Nang makapasok ako ay agad kong binuksan ang ilaw.

Wala si Blake rito. Asan kaya siya?

Nilibot ko ang opisina niya. Mas malaki ito kesa sa opisina ko. Makikita mo rito kung gaano siya kalinis, which is ang totoo ay hindi naman talaga.

Nung nagkasama kasi kami sa hotel, napaka kalat niya! Hays.

Nang nasa may bandang lamesa ako ay may napansin akong maliit na papel. Nakatupi 'yon.

Kumunot ang noo ko. Ano kaya 'to?

Nang binuklat ko 'yon ay agad ko 'yong binasa.

If you're reading this, I'm sure.. I'm already dead. Thank you for noticing this. I just have one favor, please tell to my family, friends and to Kylie that I do this because I can't fight anymore. I really can't. I'm sorry.

          -Blake P. Jefferson

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Panaginip ba 'to?! Si Blake ba talaga ang nagsulat neto?! Baka pinag tri-tripan lang ako nito?!

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan at naluha.

Nabitawan ko ang papel na 'yon at nabitawan ko na rin ang bag ko.

Nanginginig ako at napatulala ng mga ilang segundo

Hindi pwede!

Lumabas ako sa office niya at nag-isip kung saan siya posibleng pumunta.

"U-uhm, n-nakita mo ba si Blake? Ka-kalabas lang ba niya?" Nanginginig kong tanong sa isang lalaking empleyado rito.

"Ah.. ma'am, Kylie.. ka-kalabas lang po niya. Hindi po siya lumabas ng kompanya umakyat lang po ata. Baka po may kinausap lang. Bakit po? Bakit parang natataranta kayo?"

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now