Chapter 21: Don't do that again

1.4K 49 7
                                    

Chapter 21: Don't do that again

Kylie's POV

Naalimpungatan ako at nagtaka ako kung bakit parang may nakapatong na mabigat sa'kin.

Pagkadilat ko ay nagulat ako nang nakapatong ang isang paa ni Blake sa'kin. Tinignan ko siya. Nakanganga pa siya habang natutulog. Itong lalaking 'to talaga! Kundi ka lang gwapo, mukha ka na sigurong adik ngayon.

Unti-unti kong inalis ang paa niya na nakapatong sa akin.

Kinuha ko ang cellphone ko para i check kung anong oras na.

It's 8 A.M in the morning. Ang last na shooting namin para mamaya ay 12 in the afternoon.

Bumangon na ako para mag prepare ng ka-kainin namin. Tinignan ko ang ref. Napailing ako nang makita ko na wala itong laman.

Kaya napag desisyunan ko na bumili nalang ng pagkain sa kahit anong restaurant dito.

Pero syempre, nag hilamos muna ako at nagpalit bago ako lumabas.

-

Nang makabili na ako ng pagkain ay agad akong pumunta sa room namin. Gising na si Blake.

"Oh, buti nagising ka na." Sabi ko sa kaniya habang inaayos ang mga pinamili kong pagkain sa restaurant.

"Bakit? Na miss mo agad ako?" Tanong niya at bumangon na siya sa higaan.

Nakasimpleng short lang siya at sando na puti.

"Nananaginip ka pa, Mr. Jefferson."

"Huwag mo na nga akong tawaging Mr. Jefferson sabi eh!" Inis na sabi niya habang pa-punta rito sa kusina.

"Bakit, Mr. Jefferson?" Pang aasar ko sa kaniya.

"Isang tawag mo pa sa'kin ng ganyan, pa-palitan ko ang apilido mo." Seryoso niyang sabi sa'kin.

Natawa naman ako. Puro kalokohan amp.

"Tama na ang kalokohan, Blake. Kumain na tayo." Sabi ko nalang sa kaniya.

Agad naman siyang umupo at ganoon rin ako. Ka-kain na sana siya nang bigla ko siyang pinigilan.

"Hey, stop! Hindi ka pa nag to-toothbrush! Gusto mo bang makain lahat ng germs sa bunganga mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Ayoko nga." Sagot niya.

"Hay nako, kadiri ka!" Sigaw ko sa kaniya.

"Edi kainin mo 'yong germs sa bunganga ko!" Inis na sabi niya sa'kin.

Tinarayan ko naman siya. Bahala siya.

Ngunit mga ilang segundo lang ay agad siyang pumunta ng banyo.

"Slow." Narinig kong sabi niya bago siya pumunta sa banyo.

Anong slow?

Mga ilang minuto ay lumabas na rin siya mula sa banyo.

"Oh ayan na po, nag toothbrush na." Nakangiting sabi niya sa'kin.

"Edi good." Sabi ko sa kaniya.

Tahimik kaming kumakain nang bigla siyang nagtanong.

"Binili mo ang lahat ng 'to?" Tanong niya sa'kin. Habang tinitignan ang mga pagkain na binili ko. Chicken, Burgers at Pizza lang naman 'yon. Saka softdrinks.

"Yep."

"Ba-bayaran kita mamaya----"

"Shhh. Ayos lang. Ang dami mo ng nalibre sa'kin ako naman ngayon." Sabi ko sa kaniya.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now