Chapter 43: Proposal

1.3K 41 9
                                    

Chapter 43: Proposal

Kylie's POV

After 10 days..

It's already seven o'clock in the evening when Blake called me.

"Kylie, go outside." Sabi niya sa'kin.

"Huh? Why? May ginagawa pa ako." Sabi ko sa kaniya. Mayroon pa akong tatapusin.

"Please, leave it there. I need you right now." Sabi niya.

Kinabahan naman ako. Baka may problema nanaman 'to?

"Okay, okay." Sagot ko.

Inayos ko ang gamit ko na nasa table at dinala ko ang maliit na bag ko.

Pagkalabas ko ng office ay nagtaka ako kung bakit walang tao.

Na saan sila?

Hindi ko nalang 'yon inisip at lumabas nalang ng kompanya.

Pagkalabas ko ng kompanya ay nagulat ako ng may mga roses sa sahig.

Ano nanaman 'to, Blake?

Napangiti nalang ako at napailing.

Sinundan ko ang roses na 'yon at dahan-dahan akong naglakad.

What is this, Blake? It's so romantic.

At nang wala nang roses ay tumingala ako. Nakita ko roon si Blake, na may kagat-kagat na isang roses. Nakalagay ang mga kamay niya sa kaniyang likuran. Natawa ako. Ang cute niya, pero ang hot din niya at the same time. Hmm... Cute na hot? Hahaha.

Napaka simpleng polo lang siya na black at half open ito. At ang pambaba naman niya ay simpleng pants lang na color black din.

Nginisian niya ako at ibinigay niya sa'kin ang rose na kagat-kagat niya kanina. Nginitian ko siya at kinuha 'yon. Ang cute-cute mo talaga, Blake.

Nagulat ako nang may biglang tumugtog. I think it's a minus one? Pero saan nanggaling ang tugtog na 'yon? Lumingon ako kung saan pero wala naman akong nakita na speaker dito. Huh? Saan nanggaling 'yon? Ang cool naman.

Pagkatingin ko kay Blake ay nagulat ako nang may hawak na siyang mic. He will sing? Probably. Kaya pala nasa likuran ang kamay niya dahil may hawak-hawak siya.

Nagsimula na siyang kumanta.

Hindi kita iiwan - Sam Milby

Umiiyak ka na naman mahal
Lagi na lang ika'y nasasaktan
Sabi niya
Di ka iiwanan
Ikaw ay nabigo
Kayo'y nagkalayo

Hindi ko alam pero nung kinanta niya ang lyrics ng kanta na 'yan ay naalala ko si Brylle. Para bang siya 'yong pinapahiwatig sa lyrics na 'yan. Na sabi niya hindi niya ako iiwanan, but still he does.

Ako'y nahihirapan
Pag ika'y nasasaktan

Ramdam na ramdam ko ang emosyon sa bawat pagkanta niya ng mga lyrics. Napakalamig ng boses niya.

Unti-unti siyang lumapit sa'kin at saka kinuha niya ang kamay ko at hinalikan 'yon.

Kung pwede lang naman
Sa akin ka nalang

Pagkakanta niya ng "Sa akin ka nalang" ay tinignan niya ako ng diretso sa mga mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. My gosh! Lalo akong nahuhulog sa charm mo, Blake.

Hindi kita iiwan
Hindi pababayan
Sa akin ay hindi ka iiyak na kahit minsan

Napangiti ako. I know Blake, I know. Hays, naiiyak na ako.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon