Chapter 60: Together

1.8K 26 5
                                    

A/N: This is the last chapter! Thank you so much for reading! Love lots! ❤

Chapter 60:  Together

Kylie's POV

"Kailan ba kasi tayo gagawa ng bagong Jefferson?" Inis na tanong sa'kin ni Blake na nasa likuran ko.

Napairap nalang ako sa hangin habang sinasalin ko sa plato ang niluto kong Kare-Kare.

"Huy, sagutin mo naman ako." Inis na sabi niya sa'kin.

"Busy ako." Sagot ko.

"Busy saan? Busy sa iba? Hay nako, Kylie. Baka naman may iba ka na ah? Baka iwan mo 'ko? Nako ka! Madaming aagaw sa asawa mong---" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya nang bigla akong humarap at akma ko na sanang ibabato sa kaniya ang sandok na hawak ko.

Agad naman siyang napaatras at nagtaas ng dalawang kamay.

"Hey, easy. I'm just kidding. Eto naman, 'di mabiro. Hehehehehe." Natatawa pero kinakabahang sabi niya sa'kin.

Napabuntong hininga ako bago nagpatuloy sa pagsasalin.

Nang matapos ko nang isalin lahat ay inilagay ko na ang plato na may kare-kare sa table. Nang makita niya ito ay nagmamadali siyang pumunta sa lamesa at tinikman ang luto ko.

"Hmmm, ang sarap. Dapat dinamihan mo na 'yong luto mo. Para hanggang mamayang gabi." Sabi niya habang pinapapak ang Kare-Kare na sinasamahan pa niya ng bagoong.

"Blake! Mag dahan-dahan ka nga! Pinapapak mo lang ang ulam eh." Sita ko sa kaniya.

"Eh, masarap eh! Magluto ka pa nga. Babayaran kita." Sabi niya sa'kin sabay kindat.

"Ano ako? Chef mo? Magtigil ka nga r'yan!" Sabi ko sabay layo sa kaniya nung Kare-Kare. Baka kasi kapag hindi ko pa 'to nilayo sa kaniya ay maubos na niya ito. Kakain pa ko.

"Ano bang bayad ang gusto mo? Cash?" Tanong niya.

"Cash? Marami ako no'n. Kaya magtigil ka r'yan." Masungit kong sabi sa kaniya at nagsimula na akong kumuha ng kanin.

"Sige. Hmmm.... katawan ko nalang."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ang isang 'to!

"Ano? Natahimik ka? 'Yon lang pala ang gusto mo eh, sige. Ibebenta ko sa'yo ang katawan ko." Sabi niya sabay halakhak.

Agad naman akong humarap sa kaniya at nag cross arm ako.

"Simula nung naging asawa kita, akin ka na." Seryoso kong sabi sa kaniya.

Ngumisi naman siya sa'kin.

"Iyan ang gusto ko, possessive." Sabi niya at tinaasan niya ako ng kilay.

Napairap nalang ako at tinuloy ko nalang ang pagkuha ng kanin.

Nang nakakuha na ako para sa aming dalawa ay nagulat ako nang kunin niya ang lahat ng laman na nasa rice cooker. Inilipat niya ito sa dalawang plato.

"Oh--teka? Anong gagawin mo r'yan? Kumuha na ako ng kanin para sa'ting dalawa. Eto oh." Sabi ko sabay turo roon sa dalawang plato na may kanin na.

"Kulang 'yan sa'kin! Ang sarap ng ulam eh." Masayang sabi niya habang kinukuha lahat ng kanin.

Napasinghap naman ako.

"Pero mas masarap 'yong nagluto." Sabi niya sa'kin at dinala na niya ang lahat ng kanin na kinuha niya sa lamesa.

"Para akong nag aalalaga ng bata sa'yo! Napakakulit mo!" Sigaw ko at sumunod na ako sa kaniya sa mesa dala-dala ang dalawang plato na para dapat sa aming dalawa pero kulang pa pala sa kaniya 'yon.

Hold On (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant