ONE

3K 57 23
                                    

Makikigulo rin ako sa ViceJack 😝😊 Actually matagal na ito sa drafts ko, naghesitate lang ako magpublish kasi ang dami ko pang pending stories hahaha.

Pero since matatapos na ang Miss Q and A, yung segment lang matatapos at hindi ang ganap ng ViceJack!, ipa-publish ko na ito.

Reminders:
Kung may kaparehas na name, events or situations, coincidence lang po iyon. Wala akong intensyon manggaya, manira, mangbash, or kung ano mang masama. I am writing this to entertain.

To all readers, feel free to vote, comment and suggest para sa ikagaganda ng story.

Kung nagsisimula ka na manawa at hindi mo gusto, feel free ka rin na wag itong basahin.

Basta naniniwala pa rin ako...

"Walang imposible sa mundo basta bukas ang puso mo" Jaki.

_______________________________________

5:30 am

Nagising na ako at dahan dahang bumangon. Taimtim din ako nagdasal para magpasalamat sa panibagong buhay at pag-asa na ibinigay Niya sa akin.

Inayos ko rin ang kumot ng katabi ko bago dumiretso sa banyo para maghilamos at mag-ayos ng sarili ko.

Maaga pa. Mahaba pa ang oras ko para maghanda ng almusal namin. Pagkatapos ay bumaba ako para tawagin si Nanay Caring.

"Nay! Tayo pong kumain ng almusal sa taas" pag-aya ko sa kanya.

"Naku tamang tama, may inihanda din akong daing at espesyal na pandesal para kay Taba" saad ni Nanay. Tinulungan ko na rin siyang magbitbit ng mga pagkain at sabay na umakyat sa taas.

"Good morning my little angel" bungad ko habang nagkukusot pa siya ng mata.

"Morning po, magandang umaga Nanay Caring" antok na bati niya. Nilapitan ko siya at hinalikan sa noo.

"Kamusta ang tulog mo?" Agad na tanong ko pero nakapout siyang humarap sa akin. Aw napakacute.

"Anong oras ka po umuwi kagabi?" Tanong niya. Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi.

May dalawa kasi kaming raket ng mga kaibigan ko kagabi sa magkaibang fiesta. Medyo malayo din kaya pag-uwi ko ay tulog na siya.

"Sorry na. Alam ko nagpromise ako sayo na maglalaro tayo pero kailangan ko magtrabaho para sa atin. Naiintindihan mo naman ako diba?" Tumango siya pero hindi nawala ang lungkot sa mukha niya.

"Pero sa susunod wag ka na po magpapalate ng uwi. Kahit di na po tayo maglaro basta makauwi ka ng maaga. Nag-aalala po ako sayo" napangiti naman ako sa sinabi niya. Sinong mag-aakalang may taglay na kasweetan ang batang ito.

"Noted po" sagot ko. "Di ka na galit kay Mommy?" Umiling iling siya at binigyan ako ng matamis na yakap at halik.

"Sige na pray ka muna tapos maghihilamos tayo at kakain. May hinanda si Nanay Caring para sayo" kaagad ding nagliwanag ang mga mata niya bago nagdasal.

Nagpasalamat sa Diyos katulad ng ginawa ko.

Oo, tama ang iniisip niyo.

Anak ko siya.

Sinong mag-aakala na ang isang dancer na katulad ko ay may anak na pala?

Tatlong taon na rin ang nakakalipas simula ng maisilang ko siya. Sobrang saya ko ng araw na iyon.

Ang araw na una kong narinig ang pag-iyak niya.

Ang araw na una kong nasilayan ang mga ngiti niya.

Love Him FirstWhere stories live. Discover now