TWELVE

1K 43 6
                                    

"Anong lasa?" Maaga pa lang ay gising na si Jelo. Naisip niya kasi kagabi na ipagluto ko daw si Madam V.

Naikwento ko na kasi na humindi ako sa pag-aya niya at itong anak ko sabi sa akin baka daw magtampo 'yon kaya heto ipinagluluto ko siya.

"Masarap na po Mommy, you're the best cook in town na talaga" hirit ng anak ko. Daming alam.

Nag-almusal na rin kami after at hinanda ko ang baon ko at ang para kay Madam. Sana hindi siya pihikan sa pagkain at sana hindi ito masayang.

Ilang oras na puro trabaho at lunch time na. Kailangan ko na itong ibigay kay Madam.

"Sige Jen, mauna ka na sa baba. Sunod na lang ako" paalam ko. Kinuha ko ang paper bag at pumasok sa office ni Madam.

Busy sa trabaho parang walang balak kumain.

"Madam, lunch na po" pauna ko. Tumingin naman siya sa akin. Bakit habang tumatagal pagwapo siya ng pagwapo sa akin?

"Mauna ka na siguro, I need to finalize this paper pa" sagot niya. Tanghali pa lang pagod na siya.

"Okay po. Ah Madam, para sa inyo pala" inabot ko yung paper bag sa kanya. "Pa-thank you sa pag-aalaga sa akin last week"

"Ano ka ba? Di ka na dapat nag-abala" tanggi niya.

"At para na rin po doon sa kahapon, sa hindi ko pagsama sa inyo. Sige na Madam, tanggapin niyo na po" pagpilit ko, wala na siyang nagawa kundi kuhanin ito.

"Salamat pero sa susunod wag mo ng alalahanin ang mga ginagawa ko sayo. Salamat ulit dito" ngumiti ako bago umalis.

Salamat at hindi nasayang ang effort naming dalawa ni Jelo.

Bumaba na ako para kumain. Pansin ni Jen na masaya ako. Hindi ko na sinabi kung bakit dahil baka tulad ni Madc, asarin niya lang ako.

Busy na ulit ako after lunch. Tambak na kaagad ng trabaho kahit unang araw pa lang.

"Ikaw Jaki? Sama ka samin, iinom kami" pag-aya ni Jen. Ano ba 'yan? Lunes pa lang.

"Di na ako umiinom eh" sagot ko.

"Ay daig! Good girl na pala itong si Jaki" umani naman ng tawanan ang sinabi ni Sir Ches.

"Isa pa, wala pang payday" sagot ko.

"Hello? Bukas na iyon. Di na petsa de peligro kaya walwalan na" masayang sabi ni Jen. Party girl din pala siya.

"Kayo na lang siguro" tanggi ko ulit.

"Basta next time ah" tumango lang ako kahit walang kasiguraduhan. Maya-maya pa ay umalis na sila. Naiwan tuloy akong mag-isa dito sa floor namin.

"Di ka pa uuwi"

"Nagulat naman ako Madam" napahawak ako sa bandang dibdib ko.

"Hahaha sorry, heto pala yung lalagyan mo. Hinugasan ko na yan" saad niya.

"Hala Madam--"

"Vice" saad niya sabay turo sa wall clock ng opisina.

"Bakit hinugasan mo pa? Pwede namang itapon na lang" sagot ko.

"Alam mo na, baka sakaling may sunod pa" natawa naman ako. "Biro lang pero salamat, masarap ka pala magluto"

"Di naman, sakto lang"

"Asus pahumble pa! Hahaha, swerte ang mapapangasawa mo" natawa naman ako sa sinabi niya. Pagluluto lang kanina tapos asawa na ngayon hahaha.

"Sana ako" napatigil ako sa pagtawa. Tama ba narinig ko?

Love Him FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon