TWENTY TWO

1.2K 35 5
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Kung kailangan mo siyang pakasalan para malinis ang pangalan natin then do it!! I don't mind the expenses, what important for me is my family's reputation!"

"But Da--"

"Mahal mo pa naman siya diba? Or kung hindi then learn to love her again. Ikaw ang gumawa ng gulong ito so please do something!!"

"Pero.."

"And in that case hindi mo na kailangan humarap sa korte para ilaban ang custody mo sa bata!!"

------------------

"Anak bangon na ikaw,male-late si Mommy sa trabaho sige ka" kanina pa gising si Jelo pero ayaw pa bumangon.

Umuulan kasi sa labas kaya masarap matulog at humiga lang.

"Mommy bangon mo ako" Asus, nagpapalambing pa. Pinuntahan ko siya sa kwarto at ibinangon.

"Breakfast na tayo? May dinala si Nanay Caring sayo" nagluto kasi ng sopas si Nanay kaninang umaga bago pa sila umalis nila Ate Amy.

"Kain ka na" medyo tahimik siya habang kumakain kami. Bagong gising eh.

"Sabado ngayon, gusto mo sumama sa office ko?" Tumingin siya sa akin.

"Pwede po?"

"Oo, pero tulad ng dati sa lobby ka lang muna. Sandali lang naman ang trabaho ko eh"

"Bawal po ba talaga ako sa office mo? Nandoon naman po si Tatay ah, magpapaalam na lang po ako" nakaisip naman ako ng ideya sa sinabi niya.

"Isurprise na lang natin siya. Sasabihin ko na may bisita siya sa baba, di ko sasabihin na ikaw. Ano sa tingin mo?" Tanong ko.

"Ayos po 'yon. Bilisan na po natin, excited na po ako"

Nag-asikaso na kami. Ipinagdala ko rin si Jelo ng ilang gamit niya.

Medyo humina ang pag-ulan ng paalis na kami. Isang itim at mamahaling sasakyan ang bumungad sa paglabas namin sa gate.

"Jaki.." Si Tom pala. "Papasok ka na sa trabaho? Hatid na kita"

Alam kong masama ang panahon pero nag-iba rin ba ang ihip ng hangin sa kanila?

"Hi Anak, gusto mo sumakay sa sasakyan ko? I will teach you how to drive kung gusto mo" pagkausap pa niya kay Jelo.

"What are you doing here?"

"Jaki, I mean no harm. Gusto ko lang magmagandang loob. This past few days I realized what I did and ayokong pag-isipan mo ako ng masama lalo na si Jelo, ang anak natin"

"ANAK KO" pagtatama ko sa kanya.

"Come on Jaki, tuwing magkikita ba tayo palaging ganito? Palaging away? Pwede ba maging maayos tayo lalo pa nasa harap natin si Jelo" at ngayon lang niya naisip 'yan.

"Tsss"

"Ihahatid ko na kayo, saan mo ba ihahatid si Jelo ngayon? Promise wala akong gagawing masama sa inyo. Wag ka ng tumanggi, umuulan na oh" offer niya.

"Wag na, hindi ko naman papabayaan si Jelo" pumara ako ng tricycle at umalis.

Sinadya ko ring mag-iba ng daan ngayon para hindi kami masundan ng lalakeng iyon.

"Bakit po ganon siya? Dati po ang bad niya ngayon naman po ang bait niya?" Tanong ni Jelo habang nasa byahe kami.

"May nakain lang siguro siya ngayong umaga na nagpabago ng mood niya. Hayaan mo na siya" sagot ko.

Love Him FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon