TWENTY SEVEN

1K 33 6
                                    

Hapon pa ang schedule na operasyon ng anak ko. Isa-isa na rin nagdatingan ang mga taong nagmamahal dito kay Jelo. Nandito sila para palakasin ang loob ko at ni Jelo.

"Dito ka muna saglit, hanapin ko lang si Tatay mo. Hindi pa siya nag-aalmusal" tumango si Jelo at inihabilin ko muna siya kila Nanay Caring.

Nandito naman sila Laccy sa labas pero hindi nila ito kasama.

"Nasaan si Vice?"

"Actually Jaki kanina pa namin siya tinatawagan, nakapatay yata ang cellphone" sagot ni Wacky sa akin.

"Ganon ba, sige hanapin ko na lang. Di pa kasi siya nag-aalmusal" paalam ko.

Nag-ikot ikot ako sa hospital pero wala siya. Nasaan naman kaya 'yon.

"Jaki!"

"Oh Tom" bati ko.

"Ready ka na? Mamaya na ang operasyon ni Jelo"

"Oo nga, kinakabahan ako pero konti lang" sagot ko.

"Matapang naman si Jelo kasing brave ng mommy niya"

"Asus! Nambola ka pa diyan" natawa na lang kami parehas.

"Hindi kaya, brave yun katulad mo kaya lang kasing gwapo ko siya"

"Ayun lang!! Buhat ng sariling bangko" pang-aasar ko.

"Grabe ka sa akin. Parang dati gwapong-gwapo ka sa akin" napatigil ako sa pagtawa.

"Dati 'yon, noong panahon na patay na patay ako sayo" sagot ko.

"Panahong you are still in to me hahaha" tawa niya.

"Pero atleast now, hindi na" natahimik siya. May sinabi ko akong mali.

"Ay sorry, daldal ko yata"

"Okay lang, tama ka naman eh" sagot niya pero may lungkot sa mata.

"Si Vice pala napansin mo ba? Kanina ko pa kasi siya hinahanap" tanong ko.

"Jaki may chance pa ba?" Diretsong tanong niya?

"Chance ka diyan? Hindi chance ang hinahanap ko kundi si Vice" pag-iiba ko ng usapan.

"Jaki! May chance pa ba ulit tayo?" Seryosong tanong niya kaya seryoso rin akong humarap sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko.

"Jaki I want you back. May chance ba ako? May chance ba maging tayo ulit?" Sunod sunod na tanong niya.

"Tom? Kumain ka na ba? Alam mo gutom lang 'yan"

"JAKI!! Hindi ako nakikipagbiruan sayo. I'm fucking serious! May chance pa ba tayo?!" Malakas ang boses niya ng bitawan niya ang mga salitang iyon.

"Tom? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo? We're doing this for Jelo. FOR JELO at hindi para maayos tayo" sagot ko.

"Lately narealize ko mahal pa pala kita. Hindi mali, mahal naman talaga kita simula pa lang. Walang nagbago! Natakot lang ako dati Jaki at patawarin mo ako pero sana, sana Jaki pagbigyan mo ako. Give me another chance. Another chance to prove myself that I'm worthy" may halong pagmamakaawa ang boses niya.

"Tom, nasisiraan ka na ba? Nakalimutan mo na ba lahat ng ginawa mo sa akin?"

"No Jaki but I am sorry for that. Please forgive me and can you give me another chance?" Hahawakan niya ang kamay ko pero iniwas ko.

"Wag mo akong hawakan Tom!!" Matalim ko siyang tiningnan.

"Jaki, kapag naging maayos tayo may chance na mabuo ang pamilya natin. Promise, I will help you sa family mo. Hihingi ako ng tawad sa kanila, aayusin ko lahat ng gusot na ginawa ko.."

Love Him FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon