TWENTY NINE

1.1K 34 4
                                    

"Eeeee naman! Punta punta pa tayo dito bawal naman akong maligo" nag-iinarte pa itong anak ko habang nasa loob kami ng cottage.

"Anak, sumama lang tayo kasi birthday ni Lolo mo. Gusto mo ba magalit siya sa atin?" Tanong ko.

"Bakit dito pa? Bakit sa beach pa? Pwede naman sa bahay na lang po? Sa restaurant!!" Naiiritang sabi niya.

"Kasi nga dito niya gusto. Wag ka na mainis diyan, baka dumugo pa 'yang sugat mo"

"Kasi naman eh" nagpapadyak pa siya ng paa. "Mommmmmy"

Nakasimangot siya tapos magrereklamo. Dinadaan pa ako sa cuteness niya pero bilin ng doktor bawal pa.

"Wag na makulit, uuwi rin naman tayo bukas eh" saad ko. Pinipilit ko siyang kumbinsihin na bawal pa pero naiinggit talaga siya sa mga pinsan niya.

"Jelo! Wag na makulit. Magagalit sayo si Mommy" saway ko.

"Naman kasi eh!" Sumubsob siya sa unan at humiga sa papag nitong cottage.

Nagpapadyak pa siya ng paa at nagdadabog.

"Anong problema ng baby ni Tatay?" Pumasok si Vice dito sa cottage dala ang ilang barbeque at hotdog.

"Iyang anak mo nag-aaburido. Gusto makiligo doon sa dagat, sinabi na ngang bawal" paliwanag ko.

"Matigas yata ang ulo ng Jelo na 'yan ah" sambit ni Vice.

"Naman eh! Bakit dito pa tayo pumunta? Bakit hindi na lang po sa iba?" At umiyak na nga siya. Parang inagawan ng kendi.

"Tahan na. Wag na umiyak, dito ka sa tatay" hinayaan ko na lang si Vice na patahanin siya.

Magkakaputing buhok na yata ako sa pagpapaliwanag sa anak ko na bawal. Bawal siyang maligo sa dagat.

"Kapag sinabi ng doktor na bawal,bawal" paliwanag ni Vice.

"Eeeeee bakit dito pa tayo?" Giit ni Jelo habang umiiyak.

"Dito nga kasi ang gusto ni Lolo mo. Ayaw mo ba siyang maging masaya?" Tanong ni Vice.

"Gusto po" nagpunas pa ng luha ang anak ko. Hay, kakulit.

"Oh, ayon naman pala, bakit umiiyak ka pa?" Kumuha ng towel si Vice at pinunasan ang pawis at luha niya.

"Di naman po ako masaya!!" Nagsisipa pa siya, sinusumpong ang bata.

"Jelo, matigas ang ulo ah" saway ni Vice.

Nilapitan ko na sila, mamaya pati si Vice pagalitan siya.

"Tama na ang iyak, pinapawisan ka na"

"Mommy naman eh. Uwi na lang po tayo" humihikbi na siya habang kinakausap ko.

"Hindi pwede"

"Aaaaahhhhhh" iyak niya. Natawa na lang kami parehas.

"Dito ka nga kay Tatay, dali sumama kayo sa akin ni Mommy mo" binuhat niya si Jelo at sinayaw-sayaw.

Iyak pa rin siya ng iyak.

"Yung maliit na bag lang Love, may camera at pera naman ako diyan. Tara muna" hinawakan niya ang kamay ko habang buhat pa rin ang sinusumpong na si Jelo.

"Saan ang punta niyo?" Tanong ni Papa.

"Lalayo lang saglit Pa, sinusumpong itong isa at hindi makaligo" sagot ni Vice.

"Lolo naman kasi eh. Pwede naman po sa bahay na lang tayo magcelebrate, dito pa po niyo gusto" natawa na lang sila Mama sa inasal ng anak ko.

"Sige Ma, Pa, alis lang kami sandali" paalam ko kahit hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

Love Him FirstOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz