FINALE

2.1K 64 181
                                    

Gusto ko po magpasalamat sa lahat ng nagbasa at naglaan ng oras para basahin ang story ko. Sana kahit paano napasaya ko kayo sa simpleng paraan kong ito.

Sa lahat ng nagvote at nagcomment, marami pong salamat. Sagad sa buto ang pasasalamat ko. Sobrang na-appreciate ko po ang ginawa niyo.

Sa lahat ng silent readers, isa kayo sa nagpapadami ng reads kaya salamat po.

Sa parentals natin, kay Meme Vice at Ate Jaki. Love na love po namin kayo. Sana soon, matupad lahat ng wish namin para sa inyo.

Sa lahat lahat po thank you. Ayoko man isara ang kwento pero kailangan.

Love na love ko kayong lahat. Spread love and goodvibes lang. Lablab po 😘❤

-gummybert-

P.S. Mini SPG, Mini Heart Attack 😂❤

_______________________________________

"Matagal ka pa ba Jaki? Naghihintay na ang bridal car sa baba" aligagang sabi ni Mama.

"Malapit na ito Tita, sandali na lang" saad ng make-up artist ko.

Tiningnan ko ng maigi ang sarili ko sa salamin. Ako ba talaga ito? Araw ko ba talaga ito?

"Let's go Miss Jaki, hinihintay ka na ng gwapong groom mo sa simbahan" huminga ako ng malalim bago naglakad palabas.

Katabi ko si Mama at Papa sa loob ng sasakyan.

Nakausap ko na sila. Hindi naman daw sila galit sa akin, sa amin. Nabigla lang daw sila. Nakakatuwa nga na sinisi pa ni Mama si Papa dahil siya naman daw ang may gawa nitong lahat.

Kung hindi daw niya binibiro biro si Vice dati na sundan si Jelo baka daw hindi ako nabuntis hahaha. Pero parehas namin itong ginusto.

Flashback..

Matapos ang proposal ni Vice ay bumalik din kaagad kami sa Antipolo. Medyo kabado pa siya dahil baka kung ano na naman daw mangyari sa kanya pero hindi ko hahayaang saktan ulit siya nila Papa.

Nagsabi ako kay Mama na uuwi kami kaya siya ang sumalubong sa amin sa gate.

"Wag kang kabahan diyan, igaganti kita!" Naiiritang sabi ko bago ko siya hilahin papasok ng bahay.

"ARAY!!"

"JAKI ANO BA?!"

"BUNSO ISA!"

"MASAKIT!!"

Sunod sunod na angal nila Kuya matapos ko silang sabunutan, hampasin, batukan at pingutin.

"Sino nagbigay ng permiso sa inyo na pwedeng niyong saktan si Vice ha?!!" Tanong ko bago umisa kay Kuya Kiko. Pikon na pikon silang lima sa akin pero wala akong pakialam.

"Si Papa, bakit aangal ka?!" Nabatukan ko naman si Kuya Dylan bago hilahin si Vice palayo sa kanila.

"PA!!" Nag-iinit na ulong sigaw ko dito sa bahay.

"Bakit ba sumisigaw ka diyan?" Tanong niya habang bumababa ng hagdan.

"Bakit niyo binugbog si Vice? Nawala lang ako saglit tapos ganito malalaman ko!!" Naiinis na sabi ko.

"Nagsumbong ba iyang magaling mong boyfriend sayo!" Sagot ni Papa.

"Hindi po, si Jelo ang nagsabi sa akin. Pa naman!! Bakit kailangan niyo siyang saktan?!"

"Aba dapat lang Jaki! Nabuntis ka niya tapos hiwalay na kayo, anong gusto mong maging reaksyon ko?!" Singhal ni Papa. Nagsibabaan na rin sila Kuya kaya it's me versus them.

Love Him FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon