TWENTY EIGHT

1.1K 36 13
                                    

Maingat kong binuhat si Jaki at inilabas ng operating room.

"JAKI? ANAK?"

"Anong nangyari? Jaki?"

"Jaki? Gumising ka!!"

Nag-aalala sila.

"Sir, ibaba niyo po muna siya" umalis sila sa upuan at doon ko inihiga si Jaki.

Nawalan siya ng malay.

Dala na rin siguro ng tensyon, takot, kaba at kung ano ano pang nararamdaman niya kanina.

"Jaki? Love? Love gising! Kailangan pa tayo ni Jelo" panggigising ko sa kanya.

Tinatapik-tapik ko pa ang pisngi niya pero nanatili siyang walang malay.

"Akala ko ba iingatan mo sila?!" Bigla kong hinila ni Tom sa pader. "Bwisit ka!!"

Mabuti at nakapitan ko ang kamay niya bago pa ito tumama sa mukha ko. Inawat kami ng pamilya niya at nila Nanay.

"Anak? Anak gumising ka" si Tita Che naman ang gumigising sa kanya.

Dumating na rin ang ilang nurse para asikasuhin siya.

"Nanay Caring, Tita Che, Tito! Kayo po muna ang bahala kay Jaki. Babalikan ko si Jelo sa loob, nasa kritikal na kondisyon po siya ngayon! Bumibigay po ang katawan niya!" Nagulat silang lahat habang ako ay nagsisimula na rin mataranta.

"Kayo po muna ang bahala kay Jaki, babalikan ko po si Jelo" mabilis kong hinalikan sa labi si Jaki at bumalik sa loob ng operating room.

Oo, pinalabas na kami kanina pero kailangan ako ng anak ko.

"Doc please! Kahit ako na lang! Payagan mo na ako!" Saad ko sa kanya, wala na akong choice. Wala ng ibang kakapitan si Jelo dahil nahimatay na si Jaki.

Tumango si Doc kaya muli kong nilapitan si Jelo.

Bumalik na ang tibok ng puso niya pero mababa pa rin tulad kanina. Delikado pa rin.

"Jelo? Anak, naririnig mo ako. Si Tatay 'to. Laban lang anak. Malapit na silang matapos, malapit ka na gumaling" bulong ko sa kanya.

"Wag kang bibitaw anak, nandito lang si Tatay at si Mommy mo. Anak, kapit lang kay Tatay" dagdag ko pa.

Pinunasan ko ang pawis niya at hinalikan ang noo.

"Anak, laban tayo. Laban tayo para kay Mommy mo" bulong ko.

Ramdam kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Naririnig niya ako.

"Be brave Anak. Big boy ka na diba? Aalagaan mo pa si Mommy mo kapag gumaling ka na diba? Labanan mo ang sakit Anak" niyakap ko siya.





"Done! Congrats Team! The operation was successful"

Nakahinga ako ng maluwag.

Sa wakas.

Tapos na ang kalbaryo ng anak ko.

"Salamat Doc" naiiyak na ako sa tuwa.

"Pinakaba tayo ng batang ito. Kahit sa gitna ng operasyon gumagana ang kakulitan" napailing na lang kami ni Doc.

"Sir, maayos na po siya. Ililipat na lang po namin siya sa room niya. Pwede na po muna kayong lumabas" tumango lang ako.

"Anak, anak very good ka na! Sabi ko sayo matapang ka, brave ka. Successful ang operation mo, gagaling ka na" pagkausap ko sa kanya.

"Ililipat ka nila sa bago mong kwarto kaya lalabas muna ako. Puntahan ka namin sa room mo mamaya" hinalikan ko siya sa noo.

Proud na proud ako sa anak ko.

Love Him FirstWhere stories live. Discover now