TWENTY ONE

1.2K 38 3
                                    

"Mommy!! Tawagan na po natin si Tatay" pamimilit nitong anak ko.

"No! Hindi pwede"

"Eeee naman. Sandali lang, 5 minutes po" nagpuppy eyes pa siya.

"No"

"3 minutes" at nagpout pa.

"Hindi!"

"One lang, please Mommy" pilit niya.

"Hindi pwede and that's final" sumuko na siya.

Nagpakaabala muna ako sa online business ko pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko kanina.

Hindi ako nagseselos. Inuunahan ko na kayo!!

Pero bakit ganon sila?

Bakit ganon si Vice sa kanya?

Sa ibang friends naman niya hindi siya yumayakap ng ganon. Hindi nakikipagbeso-beso pero bakit sa babae kanina, ganon siya.

Halata pa nga ang excitement sa mga mata niya ng sabihin ko kung sino ang bisita.

Ang nakakainis lang, di manlang niya naisip na pumasok ulit ako. Masyado siyang busy sa pakikipagyakapan sa babaeng 'yon.

Sa harap ko pa. Sa harap ko pa talaga!!

Hindi nga kasi ako nagseselos.

"Mommy, baka po masira mo ang laptop. Gigil na gigil po"

"Yung tatay mo kasi!!" Biglang sabi ko. Saka ko lang napagtanto na nadulas ang dila ko.

"Nag-away po ba kayo kaya ayaw mo po siyang kausapin ko?"

"Hindi"

"Eh ano po? Bakit parang kasalanan niya?" Usisa ni Jelo.

"Kasalanan talaga niya!!"

"Bakit nga po?"

"Pwede ba anak ko wag ng maraming tanong?" Nagsisimula na naman akong mairita.

Kahit kasi sila Jen inaasar ako kanina. Kilala yata nila yung babae, kinukulit pa nila ako. Sabi dumating na daw ang karibal ko.

May relasyon ba sila? May past ba sila.

*mwah*

Natigil lang ang pag-iisip ko sa nangyari kanina dahil sa ginawa ni Jelo. Hinalikan niya ako sa pisngi na ikinalingon ko.

"Kung gagalitin ka lang po ni Tatay o sasaktan, hindi ko siya kakampihan. Nandito lang po ako for you Mommy" pagpapagaan niya sa loob ko.

"Mabuti ka pa love na love mo si Mommy"

"Siyempre naman po Mommy kita eh" niyakap niya ako at paulit-ulit na hinalikan ang noo.

Nilalambing niya rin ako. Yakap dito, yakap diyan. Basta! Alam kong ginagawa niya ang lahat para mapasaya ako.

"Tulog na po tayo Mommy ko. Antok na ako"

"Sige, shut down ko lang itong laptop. Una ka na sa kwarto" niligpit niya ang mga laruan niya at kinuha si Buzz at Bobot. Iniwan niya si V.

Sinigurado ko munang nakalock ang bintana at pinto bago ako pumasok sa kwarto.

"Pray muna tayo" siya ang pinaglead ko ng dasal namin.

"Tulog na tayo" inayos ko ang unan niya bago siya humiga. Automatic yakap rin siya.

"Mommy ko, may tanong lang po ako"

"Sige basta wag yung magpapaiyak kay Mommy" saad ko.

"Masakit po ba ang operasyon?" Tumingila pa siya para magkaharap kami.

Love Him FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon