NINETEEN

1.2K 39 18
                                    

"Jelo, wag magbabad sa tubig baka magkasakit ka niyan" rinig kong sabi ni Jaki mula sa taas.

Enjoy na enjoy kasing maligo si Jelo dito sa baba. Palibhasa naayos na ang linya ng tubig nila.

Actually, nakiusap ako na mapadali ang pag-aayos nito. Hindi ko na lang sinabi kay Jaki ang ginawa ko.

"Tama na ang ligo, baka magalit pa si Mommy mo kapag nagbabad ka. Bukas na lang ulit" kinuha ko ang tuwalya bago ko siya pinunasan. Ibinalot ko rin siya dito.

"Aba! Baby na baby ang Jelo eh" pagbibiro ni Ate Amy.

"Siyempre po, tatay ko 'to eh" nakakataba ng puso sa tuwing babanggitin niya ang salitang tatay. Parang totoo.

"Heto ang damit niya, tapos pulbo sa dibdib at likod" nagluluto kasi si Jaki kaya ako na ang nagpresinta sa pagpapaligo kay Jelo.

"Bango na po ako Tatay" inamoy amoy ko si Jelo.

"Bango na nga"

"Ligo ka na rin po Tatay, para makapaglaro na tayo" hinanda ko na rin ang gamit ko.

"Ready ah. Magcacamping?" Biro ni Jaki.

"Mago-overnight hahaha" dumiretso ako sa banyo at doon naligo.

Paglabas ko naglalaro na si Jelo mag-isa.

"Maligo ka na Jaki, ako na diyan"

"Marunong ka?"

"Mag-isa ako sa bahay. Kapag sinisipag ako talaga ang nagluluto" hinayaan niya akong magluto. Menudo lang naman ito, naalala ko tuloy na nirequest ko ito sa kanya dati.

"Tay, tubig po" inabutan ko ng tubig si Jelo.

"Gutom ka na? Malapit na maluto ang ulam"

"Di pa po, maglalaro po muna ako sa baba" at lumabas na siya.

Pinatay ko na ng stove at nagpahinga saglit. Gulat naman ako dahil nagmamadaling tumakbo si Jelo papasok sa bahay.

"Baka madapa ka? Bakit ba?"

"Tatay, si Daddy kong tunay nasa baba po" kinakabahang sabi niya.

Kinatok ko si Jaki sa banyo.

"Jaki, bilisan mo! May problema tayo" lumabas siya habang nakatapis lang.

"Uy! Matunaw ako" napatulala na pala ako.

"Bakit ka ba kasi nakaganyan? Hindi mo dinala ang damit mo diyan?" Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Ang sexy eh.

"Nakalimutan ko kasi, nahihiya naman akong ipaabot sayo dahil may undies 'to"

"Sus! Sinadya mo lang magpasexy sa akin" pang-aasar ko kaya napalo ako ng di oras.

"Baliw!!"

"Bilisan mo na, may masama tayong bisita" iniwan ko muna siya at bumalik kay Jelo.

Sinilip ko rin ang tinitingnan niya sa bintana.

Si Tom na naman. Kasama ang mommy niya, kausap nila si Nanay Caring sa baba.

"Palalayasin na po ba nila kami?"

"Hindi, at hindi ko papayagan" sagot ko.

"Ipagtanggol mo po kami ni Mommy ko, Tatay" sa tono ng bata, alam kong natatakot na siya.

"Oo naman. Gagawin ni Tatay lahat wag lang kayo mapahamak"

"Sana po ikaw na lang naging totoong daddy ko" saad niya. "Mas mabait ka pa po kumpara sa kanya"

"Hindi man ako ang totoong daddy mo, ako pa rin ang tatay mo. Lika nga rito, payakap si Tatay" yumakap siya sa akin.

Mayamaya ay lumabas na si Jaki. Sinilip niya ang mga tao sa baba. Nagbago agad ang timpla ng mukha niya.

Love Him FirstWhere stories live. Discover now