THIRTY FIVE

831 32 0
                                    

Medyo nalate akong pumasok ngayon. Bumalik pa kasi ako sa bahay nila Jaki kagabi nung nalaman ko na nagsusuka siya.

Sobrang kabusugan siguro kaya ganoon ang nangyari sa kanya.

"Oh? Bakit pumasok ka pa? Diba sabi ko magpahinga ka na lang" siya kaagad ang bumungad pagpasok ko sa office.

"Good morning Love ko" bati niya.

"Wag mo ako magoodmo-good morning Jaki. Diba sabi ko sayo umabsent ka muna" humalik siya sa pisngi ko bago bumalik sa table niya.

"Okay na ako. Sobrang busog lang ako kagabi kaya ako sumuka. Nakapagpahinga naman ako ng maayos"

"Siguraduhin mo lang Jaki dahil kapag may nangyaring masama sayo talagang ikukulong kita sa bahay ko" tumawa lang siya at ako naman ay dumiretso sa table ko.

"Kanino galing itong envelope?" Tanong ko sa kanya ng mapansin ang isang puting sobre sa table ko.

"Ewan ko. Pinaabot lang daw sa guard kanina" binuksan ko ito at binasa.

Hindi ko na nagawang tapusin dahil agad ko itong ginusot at itinapon sa basurahan.

"Oh? Bakit mo ginawa iyon?" Akmang pupulutin ni Jaki ang papel pero kaagad ko siyang pinigilan.

"Nanggugulo lang iyon kaya wag mo na pagkaabalahan basahin. Magtrabaho ka na lang diyan tapos samahan mo ako sa meeting mamaya" tumingin muna siya sa akin bago bumalik sa trabaho.

Nakakahalata na ako sa kanya. Parang may isinesekreto siya sa akin.

Maayos ang naging takbo ng meeting. Kahit paano ay nakabawi na kami sa sales at pagkalugi this past few months. Dahil din ito sa effort ng lahat kaya naman masaya ako.

"Job well done to all of us. Nasa cafeteria na ang pa-lunch ko. Enjoy eating" announce ko bago dumiretso sa office para sunduin si Jaki.

"Po? Sige po, pupunta ako"

"Nako ako na po bahala sa kanya. Gagawan ko po ng paraan"

"Nay wag na po, wag po tayong padalos-dalos. Akong bahala kay Vice"

Ako? Bakit ako napasali sa usapan nila? Sino ba itong kausap ni Jaki?

"Jaki?" Gulat siyang humarap sa akin.

"Sige po, magtetext na lang ako sa inyo. Bye po"

"Kanina ka pa diyan?" Aligagang tanong niya.

"Oo, narinig ko. Sinong kausap mo? Bakit nadamay ang pangalan ko?"

"Ah iyon ba? Wala lang yun, umu-order ng items eh gusto ng discount sa products mo" paliwanag niya pero medyo di ako nakumbinse. Parang may itinatago talaga siya sa akin.

"Sigurado ka?"

"Oo, tara na sa baba. Gutom na rin ako eh" at nauna siyang maglakad sa akin.

I don't know. Wala akong ideya kung bakit siya magtatago ng sikreto sa akin.

"Kumain ka pa Vice, ang dami nating trabaho ang konti mo kumain" pinaglagay pa ako ni Jaki ng pagkain pero busog na ako.

"Ang weird mo sa akin Jaki lately. Tell me may tinatago ka ba?" Humarap siya sa akin at tumigil sa pagkain.

"Pinagserve lang ng pagkain may tinatago na kaagad? Hindi ba pwedeng inaalagaan lang kita?" Saka ulit siya sumubo.

Siya na rin ang pinakain ko ng foods ko. Masasayang naman kung hindi makakain.

"Busog na naman si Jaki" puna ko sa kanya habang nagpapahinga siya.

"Inaantok na ako sa kabusugan hahaha"

Love Him FirstWhere stories live. Discover now