SIX

1K 37 0
                                    

8:00 am

Nakasakay na ako sa bus kasama ang anak ko. Papunta na ako sa trabaho.

Kung nagtataka kayo kung bakit ko siya kasama, iyon ay dahil walang mag-aalaga sa kanya.

Half day lang naman ako ngayon at sana makalusot kami nitong anak ko sa security.

"Good morning Ms. Jaki" bati ng guard sa akin.

"Good morning po" dire-diretso kaming naglakad pero hinarang niya kami.

"Ma'am bawal po ang bata sa taas lalo na po sa floor niyo. Magagalit po si Madam" ito na nga ang sinasabi ko.

"Sir, akong bahala magtago sa kanya. Promise di siya makikita ni Madam" di umubra ang sinabi ko dahil di pa rin siya pumayag.

"Kung gusto niyo Ma'am iwan niyo po siya diyan sa lobby basta po hindi siya makulit" tumingin ako sa anak ko.

"Okay lang po ako Mommy. Magbabait ako" kahit labag sa loob ko ay sinunod ko ang guard.

"Basta wag kang aalis dito. Sandali lang si Mommy sa taas, kapag wala akong ginagawa iche-check kita dito" nagsmile siya at tumango. Iiwan ko muna siya dito sa loob ng waiting area sa baba, wala naman gaanong applicants o tao dito kapag Sabado.

"Good boy ako dito Mommy" niyakap ko siya at hinalikan bago sumakay sa elevator papunta sa floor namin.

Di pa naman ako late pero nauna si Madam sa akin.

"Jaki pakisabi sa HR na gumawa ng memo sa 31" nag-aayos ako ng papel ng kinausap ako ni Madam.

"Para po saan?"

"Sa birthday ko"

"SA BIRTHDAY NIYO?!!"

"Di naman halatang excited ka" suplada niyang sabi. Heto naman napaka-KJ, ang saya kayang magbirthday.

"Hahaha sorry na po Madam. Masaya lang ako for you"

"Pakisabi na may magaganap na event sa event hall natin. At may big announcement ako" Napaisip naman ako.

"Ipapamana niyo na po ang kumpanya niyo?" Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Ang daldal ko talaga.

"Sorry po ulit" nagpeace sign ako baka lumabas ng office niya. Namumuro na ako kay Madam.

Sinabi ko na sa HR ang bilin niya at hindi sila naexcite manlang.

Di sila masaya.









"Ipapamana niyo na po ang kumpanya niyo?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Jaki.

Sa make up at hitsura kong ito mukha ba akong may anak.

Dahil wala akong ginagawa, napili kong mag-ikot sa buong building.

Nagvisit ako sa mga department, kinausap ang ilang heads at chineck ang mga pwedeng ayusin at iupgrade.

"Excuse me, may tao ba sa lobby?" Napagod ako maglakad kaya kailangan kong magpahinga.

"Wala po yata Madam pe--"

Di ko na pinatapos ang receptionist at dumiretso ako sa lobby.

"What the?" Akala ko walang tao? Sino itong batang natutulog?"

Nilapitan ko siya, umupo sa harap niya para sana kilalanin siya nang bigla siyang magsalita.

"Daddy....daddy" bulong niya bago hawakan ang kamay ko na kaninang nasa sofa.

Nakaramdam ako ng kakaiba.

Parang nakakagaan.

Nakakagaan ng pakiramdam ang paghawak niya sa akin.

Love Him FirstWhere stories live. Discover now