SEVEN

1K 38 0
                                    

9:00 am

"Manong dito na lang" tumigil kami sa gilid ng kalsada.

Ilang bahay lamang ang layo namin sa dati kong tinitirhan.

Bumaba sila sa tricycle. Galing siguro sa simbahan.

Ang saya nila.

Puro nakangiti.

Nadagdagan na naman siguro ang pamilya. May buhat na sanggol ang pamangkin ko.

Ang mga bata ay masayang nagkukulitan habang si Nanay ay pinapapasok na sila sa bahay.

"Ma'am ayos lang po kayo?" Tanong ng taxi driver sa akin. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.

"Alis na po tayo Manong, ihatid niyo na lang ako dito" binigay ko ang address ng condo ni Laccy.

Pagdaan namin sa tapat ng dati kong tinitirhan ay hindi ko manlang nagawang lumingon.

Hindi dapat ako nasasaktan dahil desisyon kong lumayo.

Ginusto kong lumayo.

Lumayo para sundin ang pangarap ko.

Pangarap ko sa pamilya na naging pangarap ko na lamang para sa sarili ko.

"Alam niyo Ma'am, matagal tagal na rin akong hindi umuuwi sa mga magulang ko. Nagtatampo ako sa kanila kasi hindi nila gusto ang gusto kung buhay. Pinag-aaral nila ako pero gusto kong magtrabaho.."

"May sakit po ang tatay ko kaya gusto kong kumayod pero naging dahilan din 'yon para magalit sila sa akin. Sinayang ko daw po ang pagkakataon para mag-aral at ngayon po heto ako taxi driver.."

"Hindi nila alam na ginawa ko lang 'yon para sa kanila. Pangarap nilang makapagtapos ako pero pangarap ko pong makita silang hindi nahihirapan. Kapag may pagkakataon po, uuwi ako sa amin para humingi ng tawad. Ano pa man ang kasalanan ko, magulang ko pa din sila. Wala ako dito kung di dahil sa kanya" mahabang kwento niya.

"Nandito na po tayo Ma'am" kumuha ako ng pambayad at ng calling card ng kumpanya.

"Salamat sa istorya Kuya, heto po bayad ko. Ito naman pong isa, magpunta kayo diyan at mag-apply. Para matupad niyo pa lalo ang pangarap niyo sa pamilya mo" bumaba na ako ng taxi at dumiretso sa condo ni Laccy.

"Ay baklang haliparot!!" Napatalikod kaagad ako pagpasok ko sa condo ni Laccy. Di ko naman alam na may ginagawang milagro ang kaibigan kong ito.

"Besh, bakit di ka naman nagsabi na pupunta ka rito?" Aligagang tanong niya. "Alam mo wrong timing ka. Malapit na eh"

"Eh kung marunong kasi kayong maglock ng pinto diba?" Naglalambingan yata sila ng boyfriend niya kaya lang bigla akong dumating.

"Laccy, my loves. Babalik na lang ako mamaya, I need to visit my relatives" paalam ng foreigner na jowa ni Laccy. Eh di siya na. Siya ng may boyfriend.

"Okay baby. Please comeback before dinner, I will cook your favorite sinigang" malanding sagot ni Laccy. Imbyerna.

"Sure, bye honey.  I love you" nagkiss pa sila bago umalis yung isa. Kadiri talaga.

"Oh bitter na bitter ka na naman" naparoll eyes ako sa sinabi ni Laccy. Ako? Bitter? No way.

"Kakasuka kayo" sagot ko.

"Kakasuka o kakainggit? Hahaha, kumain ka na ba? May pagkain diyan" dumiretso ako sa kusina at kumuha ng pagkain. Sanay na rin naman ako dito.

"Nagpropose na pala kaagad ang ex mo" nasamid naman ako aa balita ni Laccy. "Wag pa-obvious"

Love Him FirstWhere stories live. Discover now