FOURTEEN

1K 40 2
                                    

"Paumanhin Madam! Pinipigilan po namin siya kaya lang mapilit po eh" nagkakagulo sa floor namin ngayon.

Nandito si Kev, ang ex-boyfriend ni Madam.

"Vice, please. Let's talk" pagmamakaawa niya.

"Diba tapos na tayo?" Sagot ni Madam.

"Please, I'm begging you" lumuhod si Kev sa harap niya habang umiiyak.

Pansin ko ang pagbabago ng reaksyon ni Madam. Kung kanina ay matapang siya, ngayon parang lumambot ang puso niya.

Itinayo niya si Kev at diretsong pumasok sa office niya.

Wait.

Napahawak ako sa dibdib ko. Parang bumigat ang pakiramdam ko.

Hindi naman ako dapat nagkakaganito pero bakit.

Nagpunta ako sa CR at nilock ang sarili ko sa isang cubicle.

Bakit nasasaktan ka Jaki?

Wala ka namang feelings sa kanya diba?

Wala nga ba? Wala ba talaga?

Pero anong ibig sabihin ng pagiging sweet niya sayo? Mga pahiwatig niya sayo? Biruan lang ba talaga 'yon?

"Don't fall Jaki. Don't fall on his words. Don't fall on his actions. Pigilan mo ang sarili mong mahulog sa kanya" bulong ko.

Inayos ko ang sarili ko at bumalik sa table ko.

"Jaki.." Nilingon ko si Jen.

"Oh?"

"Di mo sinundan si Madam? Mamaya magkasakitan sila sa loob"

"Walang masamang mangyayari sa kanya. Matapang si Madam"

"Matapang pero tiklop sa ex niya. Or should I say, magiging boyfriend niya ulit"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

"Kalat na sa internet na hindi daw matutuloy ang kasalan nila nung bago niya. Naka-cancel daw dahil naguguluhan pa si Kev. Siguro naman sa nangyayari ngayon, alam na natin kung sino ang dahilan" kwento niya. Nangamba ako para kay Madam.

Nabanggit na niya ang istorya nila ni Kev sa akin. Gusto na daw niyang magmove on at nasimulan na nga daw niya ito. Pero paano? Bumalik si Kev, magbabalik na naman kaya ang feelings niya?

The next day...

Maaga akong pumasok para iwas umagang sermon kay Madam.

"Jaki! Goodness dumating ka, we need your help" gulat naman ako sa pag-approach ni Sir Ches sa akin.

"Po? Para saan?"

"Here, may nagpakalat ng pictures na 'yan sa internet. Pictures ni Kev habang nagwawala at nagmamakaawa kay Madam. According sa source, sa empleyado niya ito nanggaling" Tiningnan ko naman ang mga picture. Kitang kita ang mukha ni Madam at ng ex niya.

"Ano pong magagawa ko?"

"Please convince Madam. As of now, chine-check na niya ang camera footage para malaman lahat ng kumuha ng litrato and alam mo na ang sunod niyang gagawin.."

"Madam will surely fire them" nilingon ko ang kasamahan ni Sir Ches. Kasama siguro sila sa nasangkot dito.

"Gagawin ko po ang makakaya ko"

"Salamat Jaki. Salamat" bigla rin namang dumating si Madam. Galit na galit habang hawak ang isang papel.

"To my office now!!" Sinundan ko naman si Madam. Kailangan kong ilaban ang mga kasamahan ko sa trabaho.

Love Him FirstOnde histórias criam vida. Descubra agora