EIGHTEEN

1.1K 38 4
                                    

"Babalik ka po dito sa amin ah" saad ni Jelo.

"Oo naman, babalik ako dito" pinisil ko pa ang pisngi niya bago yumakap sa kanya.

Mamimiss ko kaagad ang batang ito.

"Ikaw Jaki? Kailan ka babalik?"

"Next week na lang siguro, kita mo naman ang nangyayari dito sa amin.

" Sige pero hayaan niyo, tutulong ako" offer ko.

"Nako salamat. Paano? Aalis ka na?"

"Oo, mauna na ako. Mag-ingat kayo dito, kapag nagkaproblema tawagan mo lang ako" pasakay na ako ng tricycle nang humabol si Jelo.

"Mag-ingat ka po Tatay, I love you po"  niyakap niya ako ulit.

"Love din kita" kumaway na ako at nagpaalam sa kanila.

Hindi ko ine-expect na ganito ako kadaling mapapatawad ni Jaki at ganito ko rin kadaling matatanggap ang katotohanan na mayroon siya.

"Beks!! Kanina ka pa namin hinihintay!" Kaya naman pala may nakapark na sasakyan sa labas ng bahay ko dahil nandito ang mga kaibigan ko.

"Trespassing na kayo minsan! Pasok kayo ng pasok dito, bahay niyo?" Imbyernang tanong ko.

"Ano? Saan ka galing? Nakita mo na? Nakausap mo na?" Alam na alam ko na talaga ang ipinunta nila dito, chika lang.

"Oo, nagkita na kami. Pinuntahan ko sila at nakilala ko na rin ang anak niya"

"Talaga? OMG! Magiging ninang na ba ako?" OA na sabi ni Anton.

"Baliw! Tatlong taon na yung bata, kapag sinama ni Jaki sa opisina sasabihan ko kayo para makilala niyo rin" dumiretso ako sa kusina para kumain at sila sunod pa rin.

"Eh si Jaki? Babalik daw ba sa opisina?"

"Di pa sigurado pero baka next na lang daw. Mahirap kasi ang sitwasyon nila ngayon. Walang supply ng kuryente at tubig tapos may nag-aamba pang demolition" Isa pa 'yon sa problema ko. Bakit naman agad agad ang demolition sa kanila? Wala manlang abiso.

"Nabasa nga namin sa balita, sobra naman pala 'yang mga Doromal na 'yan!!" Naiinis na saad ni Laccy.

"At isa pa sa iniisip ko ay ang sinabi ni Doc. Jed, pinuntahan din daw siya ng mga Doromal at nagtatanong about kay Jaki pati sa anak nito"

"Hindi kaya, si Tom ang tatay nung bata?" Napatahimik ako sa sinabi ni Neggy.

Hindi rin mawala sa isip ko ang posibilidad na baka nga, baka kaya siya nagtatanong dahil anak niya ang bata.

"Itatanong ko na lang 'yan kay Jaki kapag nagkita ulit kami. Nasa tabi ko kasi palagi yung bata kanina kaya di kami makapag-usap" kwento ko habang ini-imagine si Jelo

"Kaya naman pala ang ganda ng ngiti mo. Instant daddy na!!" Pangungulit nila pero di ko na pinansin. Ang mahalaga mas mapalapit ako sa kanilang dalawa.

.

.

.

.

.

"Wag natin siyang abalahin ngayon Jelo. Nasa trabaho na 'yon" kinukulit kasi ako nitong si Jelo na tawagan daw si Vice.

"Mommy please po. Please, please, please" nagpapacute pa siya.

"No"

"Eeeee naman eh. Please Mommy" pilit pa niya.

"Hindi nga pwede" sagot ko. Lumayo siya sa akin at naupo sa sofa. Nakasimangot habang nakacross arms. "Tampo ka na niyan?"

"Wag mo po ako kausapin, di po tayo bati" sagot niya.

Love Him FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon