TWENTY FIVE

1.2K 33 12
                                    

Nakalabas na kami ng hospital at ilang araw na rin hindi nagpapakita si Vice sa amin.

Hinahanap nga siya ng anak ko noong nadischarge siya. Akala daw niya susunduin o sasalubungin siya ni Vice.

"And Buzz to the rescue" pinapanood ko lang sila ni Tom maglaro dito sa sala.

Ilang araw na rin simula ng payagan ko siyang makasama si Jelo. Napapansin ko na malapit na sila sa isa't isa pero iba pa rin pagdating kay Vice.

Si Vice kasi hindi mo kailangan pagsabihan o turuan, alam niya ang dapat gawin kay Jelo at hindi katulad ni Tom na palagi mong aalalayan at sasabihin ang dapat gawin.

Siguro dahil naninibago pa siya. Bago ang lahat ng ito sa kanya.

Tungkol sa gulong ginawa nila, napag-usapan na namin at ayaw ko man silang idemanda, si Vice pa rin ang masusunod. Gusto niya kaming protektahan at para matutunan rin nila ang lessons sa mga nagawa nila. Pero kakausapin ko pa rin siya tungkol dito.

"And V is here!! He will rescue Bobot and Buzz" pinaikot ikot pa ni Jelo ang robot niya sa kamay niya.

Si V na bigay ni Vice.

Bakit ba puro Vice ang lumalabas sa bibig ko?

Namimiss ko lang siguro siya.

Di ko pala namimiss kundi miss na miss.

"Gusto mo lumabas tayo? Let's buy new toys, robots, cars, dinosaurs! Gusto mo?" Nilingon ako ni Jelo.

"Daddy look po ang dami ko ng laruan"

"Ayos lang, dagdagan pa natin. Please, pumayag ka na sa gusto ni Daddy. Ngayon lang kita bibilhan ng toys" tumakbo palapit sa akin ang anak ko.

"Mommy...pwede po?"

"Ikaw bahala" sagot ko.

"Hindi ka po magagalit?" Umiling ako.

"Sige po Daddy, payag po ako. Thank you" nagtatalon na sabi niya.

"Changes your clothes na, sa mall na lang tayo bumili" nakatawang sabi ni Tom.

Siya na ang nagbihis kay Jelo pero hindi talaga siya sanay kaya kinailangan pa ng tulong ko.

"Mommy bihis ka na po"

"No baby, hindi ako sasama" sagot ko.

"Po?"

"Kayo na lang ni Tom, mag-enjoy ka anak"

"Jaki, sumama ka na. Minsan lang tayo lumabas tatlo. You know, family bonding" saad ni Tom.

Family bonding? Hindi naman kami family.

"Wag na, mag-enjoy kayong dalawa and Tom, I trust you. Wag mo sanang baliin ang pangako mo" pagpapaalala ko sa kanya.

Hinatid ko sila sa gate pero si Jelo ayaw bumitaw sa akin.

"Mommy..sama ka na po" umiling ulit ako.

"Mag-enjoy ka anak, wag masyadong makulit at magpapagod" hinalikan ko siya sa noo. Alam kong malungkot siya dahil ayokong sumama, gusto ko lang silang bigyan ng oras.

Umalis na rin sila paglipas ng ilang minuto.

"Hinayaan mo siyang sumama kay Tom?" Nakatambay lang ako dito kila Nanay Caring

"Opo, babalik na rin daw po sa US si Tom pagtapos ng operasyon. Gusto niya lang magkasama sila, maging daddy kahit sa maikling panahon" sagot ko.

"Anong nagpabago ng isip mo para gawin 'yon?"

Love Him FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon