THIRTY SEVEN

959 46 3
                                    

"Umiinom ka, bakit?" Tanong ni Laccy sa akin. Binisita niya kasi ako dito sa bahay.

"Nakipaghiwalay na ako kay Jaki" saad ko bago ininom ang alak sa harap ko.

"TOTOO?" Hindi makapaniwalang tanong niya na sinagot ko lang ng pagtango.

"Bakit?"

"Nasaktan ako. Nalaman ko kasing nakikipagsabwatan siya sa pesteng pamilya ko para pag-ayusin kami" kwento ko. Ngayon na rin lang kasi kami nagkita kaya wala silang balita.

"Dahil lang doon?"

"Wag mo i-lang ang nangyari Laccy dahil napaglaruan ako!! Matagal na palang itinatago ni Jaki ang pagkikita nila tapos wala manlang ako kaalam-alam. Tinanong ko naman siya pero nagsinungaling pa rin siya sa akin!" Naluluha na ako habang nagkukwento sa kanya.

"Nasaan si Jaki ngayon? Kumusta siya?"

"Umiiyak siya nung huli kaming magkita. Nagalit ako sa kanya pati kay Tina, nasaktan ko din siya pero tripleng sakit ang ginawa nila sa akin. Buong akala ko maayos kami, buong akala ko kakampi ko siya" hinagod ni Laccy ang likod ko habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Buo na ba ang desisyon mo?" Tanong niya.

"Oo, sinabihan ko naman siya na putulin ang koneksyon sa pamilya ko dahil pag-aawayan namin pero pinili pa rin niya na sundin ang plano nila" at saka ko muli akong uminom. Sana kahit papaano makatulong ito sa bigat ng nararamdaman ko.

"Eh paano si Jelo? Yung bata? Paano kapag nalaman niyang wala na kayo ni Jaki?" Natahimik naman ako at napaisip.

Oo nga pala, paano yung bata? Ni hindi ko manlang naisip ang magiging reaksyon niya.

"Matalino si Jelo alam kong maiintindihan niya ang nangyari" sagot ko.

Bigla rin namang dumating si Anton at Neggy. Kasunod din nila si K at Anne. Maayos na rin kasi ang friendship namin.

"Di manlang kayo nag-ayang dalawa. Umiinom pala kayo" saad agad ni Neggy bago nagsalin ng alak.

"Nakipaghiwalay na siya kay Jaki"

"ANO?!!!" sabay sabay nilang sabi. Si Neggy nga ay halos mailuwa ang alak sa bibig niya.

"Bakit? Akala ko ba mahal mo siya" saad ni K na agad tumabi sa akin.

"Ano ba 'yan Vice? Hindi ko pa nga lubos na nakikila ang girlfriend mo nagbreak na kayo" saad ni Anne bago tumabi sa kaliwa ko.

"Paano? Anong nangyari?" Tanong ni Anton.

Natahimik muna kami bago ako nagpasyang magkwento.

"Baka naman para sa ikabubuti mo lang iyon Vice" napailing ako sa sinabi ni K. Kung para sa akin dapat ikinunsulta rin muna niya akin.

"Sa totoo niyan Vice kaya kami nagpunta dito kasi nalaman namin na nasa ospital si Nanay Rosario. Inatake daw at nasa kritikal na kondisyon" kwento ni Anton.

"Alam ko, matagal na rin nila akong ginugulo dito. Pabalik-balik para humingi ng tulong sa akin"

"Iyon naman pala eh, wala ka manlang bang balak silang puntahan?" Tanong ni Anne.

"Wala. Wala sa plano kong makipag-ayos sa kanila" mapait na sagot ko.

"Si Jaki? Panigurado nasasaktan iyon. Tapos ang anak niyo pa, si Jelo" hindi na ako sumagot at uminom na lang.

Love Him FirstWhere stories live. Discover now