THIRTY

1.3K 36 2
                                    


"Hello Vice? Nasaan ka na?" Tanong ni Jaki sa kabilang linya.

"Papunta na ako, may binili lang" sagot ko.

"Bilisan mo. Hinihintay ka na nitong anak mo"

"Si Jelo ba talaga o ikaw? Miss na miss mo naman ako Jaki" pang-aasar ko.

"Che! Bilisan mo na. BYE!"

Pikon talaga kahit kailan.

Pinagmasdan ko ulit sila Nanay.

Oo, bumisita ako dito sa kanila pero hanggang tingin lang. Ni hindi ako lumapit o lumabas manlang ng sasakyan ko.

Aalis na sana ako nang may nagsisigaw sa labas ng bahay nila.

Lumabas si Nanay para kausapin siya. Galit na galit yung babae habang nagsisigaw.

"Manong? Ano pong meron doon? Bakit sumisigaw yung Ale?" Tanong ko sa isang dumaan.

"Ah ayan ba? Naniningil yan ng upa. Matagal na yatang hindi nakakabayad sila Mare, per head pa naman at sobrang dami nila diyan" tumango lang ako bago isinara ang bintana ng sasakyan ko.

Kung maayos lang sana tayo, malamang nakatira kayo sa bahay ko.

"TATAY!!" Pagpasok ko pa lang ng gate sinalubong na ako nitong anak ko.

"Lagot ka sa nanay mo, pawisan ka na naman" hinalikan ko pa siya sa magkabilang pisngi.

"Naglalaro po kasi kami ni Ate Meriel. Puntahan niyo na lang po si Mommy sa taas, nandoon po siya" saad ni Jelo bago nagtatakbo pabalik sa loob ng bahay ni Nanay Caring.

Umuwi na rin kasi sila dito ilang araw matapos ang kaarawan ni Papa.

Wag kayong ano diyan! Tanggap ako ng pamilya niya.

"Ang sexy naman po pala" bungad ko kay Jaki na ikinagulat niya. Nakadress kasi siya.

"Di sayo usong kumatok" lumapit siya at kinurot ako sa tagiliran. Sadista talaga.

"Para sayo pala" inabot ko ang bulaklak na binili ko kanina.

"Edible ba 'to?"

"Pwede naman kung gusto mo--ARAY!Ikaw na nga itong binigyan ng flowers tapos ikaw pa itong mapanakit. Uwi na nga lang ako" pagtatampo ko kunwari.

"Uy! Uy! Sorry na, binibiro lang naman kita. Balik ka na dito" nakasimangot akong humarap sa kanya.

"Ang cute, cute naman ng Love ko. Halika ka nga dito" panlalambing niya bago ako yakapin ng mahigpit.

"Salamat sa pa-flowers kahit ilang beses ko na sinabi sayo na wag na" at paulit-ulit niya akong hinalikan.

"Bawing bawi"

Minsan talaga effective ang pag-iinarte ko.

"Pinagmamadali mo ako ikaw naman pala itong hindi pa nakahanda"

"Kasi naman po si Jelo ang kulit kanina. Tawagin ko lang, ire-ready ko na para makaalis na tayo" bumaba muna siya at ako naman ay nag-ikot ikot dito sa bahay nila.

"Pawisan ka na naman. Palit ka muna ng damit para makaalis na tayo" Inasikaso muna niya si Jelo para makaalis na kami.

"Malayo po ba 'yon?" Tanong ni Jelo habang nasa byahe kami.

"Medyo lang, bakit naiinip ka na? Hindi pa nga tayo nakakalabas ng Manila"

"Hindi naman po, nagtatanong lang. Maganda po ba doon?" Dagdag pa niya.

"Oo naman, kasing ganda niyang mommy mo" nahampas naman ako ni Jaki. Kung wala lang si Jelo dito baka hinalikan ko na siya.

Sabi ng kada hampas, halik ang katapat eh.

Love Him FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon