EIGHT

1K 41 2
                                    

"Jaki.." Pagtawag ko sa secretary ko. Akala ko umuwi na siya ng walang paalam sa akin yun pala nakatulog na sa station niya.

"Hmmmm" gumalaw lang siya ng konti at nanatiling tulog.

"Jaki.., uwian na. Gumising ka na diyan" naalimpungatan naman siya at dahan dahan bumangon.

"Hala! Sorry Madam, nakatulog na po pala ako" paghingi niya ng paumanhin.

"Ayos lang naiintindihan ko. Pansin ko rin kanina na matamlay at halatang puyat ka. Di ka pa ba uuwi? Magsasara na ang opisina" napatingin siya sa orasan at alam kong nagulat siya.

Mag-aalas otso na. Kanina pa nakauwi ang mga empleyado at kami na lang dalawa ang naiwan dito.

"Late na pala. Di manlang ako ginising ni Jen. Sige Madam, mag-ayos lang ako ng sarili ko tapos uwi na ako"

"Hintayin na kita, sabay na tayong bumaba" sagot ko.

"Naku wag na po. Nakakahiya pa" Jaki.

"May multo pa naman sa floor na 'to. Sige ka baka makasalubong mo" pananakot ko.

"Madam naman ehhh" reklamo niya. "Magmamadali na lang po ako para di kayo matagal na maghintay" nagtatakbo na rin siya patungong CR.

"Saan ka ba umuuwi?" Magkasabay kaming dalawa sa pagbaba. Balak ko sana siyang isabay basta di out of the way.

"Naku Madam kung balak niyo akong isabay, wag na po. Kaya ko na po magcommute" nababasa yata niya ang nasa isip ko.

"Gabi na Jaki, mamaya mapano ka pa sa daan. Sige na, sumabay ka na sa akin" pinilit ko siya kahit ayaw niya. Wala na rin naman siyang magagawa kapag nakasakay na siya sa sasakyan ko.

Medyo malapit lang naman ang bahay niya kaya lang matraffic sa daan.

Nagkwentuhan lang kami habang nasa byahe. Hindi ko din alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa babaeng ito.

"Madam ibaba niyo na lang ako doon sa may kanto. Hindi din po makakapasok ang sasakyan niyo sa kalyeng 'yan"

"Safe ba diyan? Ang dilim dilim kaya" puna ko. Paano kung may masamang loob na nakatambay diyan.

"Inaayos pa po kasi ang linya ng streetlights namin. Safe diyan Madam wag po kayong mag-alala" sagot niya.

"Sige, pero di muna kami aalis hanggat di ka nakakalayo. Mag-ingat ka Jaki at magpahinga kaagad pag-uwi" Tumango siya at ngumiti.

Ang ganda niya.

Wait..

Ang ganda ko.

Yun talaga ang sasabihin ko.

Lumabas na siya ng sasakyan at nagpaalam. Tanaw ko na pumasok siya sa isang bahay kaya naman umalis na kami ng driver ko.

"Madam first time yata" alam ko ang tinutukoy ni Manong George.

"Nakatulog po kasi sa opisina at gabi na rin naman kaya isinabay ko na" sagot ko.

"Nakatulog? Di pa po bawal sa inyo 'yon" Napaisip din ako.

Dapat pinagalitan ko siya kanina.

Dapat sinermonan ko siya.

Pero bakit hindi ko ginawa?

Bakit nga ba?

"Alam niyo Madam, pansin ko po parang may nag-iiba sa inyo" tumingin naman ako sa driver ko. Anong sinasabi niya?

"Sorry Madam, madaldal na po yata ako" saad niya bago tumahimik.

Gusto ko rin naman subukan magbago.

Love Him FirstWhere stories live. Discover now