TWO

1.2K 38 4
                                    

7:00 AM

"DIBA SABI KO SA INYO ALLERGIC AKO SA AMPALAYA!!" Bulyaw ko sa mga katulong ko at tumalikod sa kanila.

"Bitter ka lang kasi" dinig kong bulong ng isa sa kanila na kaagad nagpalingon sa akin.

"Sino 'yon? Sinong nagsalita?" Nagtunguhan naman silang lahat at walang umamin.

"SINONG NAGSABI NA BITTER AKO?!!!" Sigaw ko. Mabilis din naman nilang tinuro ang bago kong katulong.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at itinaas ang ulo niya para humarap sa akin.

"MY DOOR AND MY GATE IS OPEN. YOU ARE FIRED" Mangiyak-ngiyak niyang kinuha ang mga gamit niya at patakbong lumabas. Nagulat kaming lahat ng bumalik pa siya.

"Madam, yung sweldo ko po pala para sa ngayong buwan?" Aba at nagawa pang humingi ng sweldo matapos akong insultuhin.

"Out!" Utos ko.

"Madam please" pagmamakaawa niya.

"I SAID OUT!!!" Bulyaw ko.

Galit na galit siyang humarap sa akin.

"Balang araw makakahanap ka rin ng katapat mo! Napakayabang mo!!" Sigaw niya sa akin bago umalis at bumalik ulit.

"Totoo yung sinabi ko na bitter ka!! Umiiyak ka pa nga sa terrace dahil sa ex mo" at muli siyang nagwalkout.

"EVERYBODY!! GET OUT OF MY SIGHT!!" Mabilis din silang nagpulasan paalis sa harap ko.

Naiinis ako sa babaeng 'yon. Mabuti nga at nakatuntong siya sa ganito kalaking bahay. Sumusweldo ng halos triple sa karaniwang sweldo ng
maids.

At bitter daw ako? Siguro. Medyo. Iwanan ka ba naman ng boyfriend mong walang ginawa kundi perahan ako. Pero mahal ko eh. Mahal na mahal ko at hindi siya ganon sa akin.

At napakayabang ko daw?

Kasalanan ko bang mayaman ako?

Kasalanan ko bang may malaki akong bahay at mga sasakyan?

Kasalanan ko bang may successful business ako?

Kasalanan ko ba na may ipagyayabang ako?

Pinaghirapan ko lahat ng ito at sapat lang naman sigurong enjoyin ko lahat ng ito.

"Get my car ready, sa opisina na lang ako magbebreakfast" umakyat ako sa kwarto ko para magretouch at kunin ang cellphone ko.

Maaga akong dumating sa kumpanya. Hindi rin naman ako nagpapalate kahit pag-aari ko ito.

"Miss De Guzman, on my office now" saad ko sa secretary ko pagdaan sa table niya.

"Report" Walang emosyong saad ko sa kanya.

"Marketing team said that their is an increase in sales in Luzon and Mindanao--"

"In Visayas? Ilan ulit yung nagdecrease?" Tanong ko.

"Almost a half Madam"

"A HALF?!!"

"Yes po"









"45% lang ang recent report sa akin tapos ngayon 23% na lang? Marketing? Sales?!" Kaagad ako nagpatawag ng meeting sa nalaman ko.

"Balak niyo ba talagang ibagsak ang kumpanyang ito?!"

"No Sir"

"ANONG SIR? SA BUHOK AT MAKE UP KONG ITO TATAWAGIN MO AKONG SIR?!"

"Pasensiya na po pero nagsasabwatan ang branches sa Visayas dahil sa favoritism niyo dito sa Luzon. They want a fair share Madam" saad ni Onyx ang Head ng Sales Department.

Love Him FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon