TWENTY FOUR

1K 33 4
                                    

Habang nakikita kong umiiyak at nagwawala si Jaki parang nawawasak rin ako.

Masakit sa puso kong makita siyang ganito.

"Jaki, tahan na. Tumigil ka na" niyakap ko ulit siya at nagpupumiglas siya.

Mas hinigpitan ko ang pagkakayap sa kanya hanggang siya na mismo ang nawalan ng lakas kaya napaupo siya.

"Yung anak ko Vice.." Pinunasan ko ang mga luha niya.

"Maging matatag tayo Jaki, hindi gugustuhin ni Jelo na makita kang nagkakaganito" hinalikan ko ang noo niya.

"Lalaban si Jelo, matapang siya. Matapang siya katulad mo" pagpapagaan ko sa loob niya.

Nagsidatingan na rin sila Nanay Caring, Meriel at Ate Lucy. Nag-aalala sila para kay Jaki at kay Jelo.

"May ilan ngang media na pumunta sa bahay, nasa balita na kaagad ang ginawa nila Tom" nag-init kaagad ang dugo ko nang marinig ang pangalan niya.

May mangyari lang masama kay Jelo, ako mismo ang haharap at gaganti sa kanila.

Inobserbahan si Jelo sa emergency room. Maayos na daw ang lagay nito pero hindi pa nagigising.

Pinayuhan kaming magstay muna sa labas habang hinihintay ang paggising niya.

"Jaki, sabi ni Doc Jed ooperahan na daw siya" nilingon ko si Jaki. Tulala siya, gusto ko siyang tanungin dahil wala akong alam sa nangyayari.

"Operahan? Para po saan?" Tanong ko.

"Hindi pa ba nasasabi ni Jaki sayo?" Umiling ako.

"May butas ang puso ni Jelo. Maliit lang 'yon ng ipinanganak siya, magsasara naman daw pero noong dalawang taon na siya madalas siyang hikain at mahirapan sa paghinga. Doon namin nalaman na sa halip na magsara, mas lalong lumaki ang butas na puso ng bata"

Nanlamig ako sa narinig ko.

All this time akala ko maayos siya.

Wala akong alam sa sakit niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tanong ko kay Jaki. Kaming dalawa na lang ngayon ang naiwan dahil bumili pa ng pagkain sila Nanay.

"Matagal ko na dapat siyang pinaoperahan kaya lang sa tuwing makakaipon ako. Nagkakaproblema, nagagastos ko para sa kanya. Gusto ko naman gumaling siya eh..." Umiyak na naman siya.

"Kaya lang mag-isa lang ako. Palagi pa akong sinusubok tuwing may ipon na ako. Palaging may darating na problema" niyakap ko siya.

"Papaoperahan na natin siya" humarap sa akin si Jaki.

"Hindi pa pwede"

"Kung pera ang problema ako ang bahala--"

"Vice! Marami ka ng naitulong sa akin. Marami na at nahihiya na ako sayo--" pinutol ko siya sa pagsasalita.

"Para ito sa anak ko Jaki. Kay Jelo. Ginagawa ko ito para kay Jelo. Hindi ko kakayanin kapag may mas masamang mangyari sa kanya" ngumiti si Jaki kasabay ng mga luha niya.

"Gagawin na natin ang operasyon sa lalong madaling panahon" niyakap niya ako at muling umiyak.

"Salamat Vice. Salamat" hinagod ko ang likod niya para patahanin siya.

"Basta para sayo at para sa anak ko" humarap siya sa akin at hinalikan ako sa labi.

Hinalikan ako ni Jaki sa labi.

Hinalikan niya ako.

"Miss Jaki, gising na po ang pasyente. Pwede na po kayong pumasok"

Nabalik lang ako sa reyalidad ng hilahin ako ni Jaki papasok sa kwarto ni Jelo.

Love Him FirstWhere stories live. Discover now