THIRTEEN

979 37 1
                                    

Dumaan ang mga araw at mas lalo kaming napalapit ni Jaki sa isa't isa.

Tinutulungan niya ako sa problema ko sa empleyado at masaya ako dahil parehas kaming may natutunan sa isa't isa.

Habang dumadaan din ang mga araw, masasabi kong mas lalo akong humanga sa kanya. Ewan, palagay ko ay unti-unti na rin akong nahuhulog sa kanya.

Oo, bakla ako. Bakla ako pero may karapatan naman ako magmahal.

"Baka naman magastos itong idea mo Jaki" binabasa ko kasi ang plano niya this weekend

"Resort lang naman ang irerent mo at isa pa, your employees need some break. Ibigay mo 'to sa kanila"

Nagsuggest kasi siya sa akin ng isang event. Company beach outing to be exact.

"Sasama naman kaya sila?"

"Sasama sila kung hindi ka kasama hahaha joke" Isa pa 'yan sa nagbago sa mahabang araw na palagi ko siyang kasama. Naging palabiro siya sa akin.

"Siraulo!" Natawa na lang ako.

"At isa pa, nakasulat diyan ang purpose ng outing. Team building para madevelop nila ang sarili nila at ang ability nila to work as a team. Nag-enjoy na sila sa swimming plus meron pang pa-activity" paliwanag niya.

Mukhang masaya naman ang ideya niyang ito.

"Okay, sasama ka ba dito?" tanong ko.

"Malamang, ako promoter niyan tapos ako ang hindi sasama. Nalugi naman yata ako doon" sagot niya.

"Sige, I will sign this para maprocess kaagad ng accounting ang budget at makapaglabas na rin ng memo" kinuha ko ang ballpen ko at pinirmahan ang papel.

"Thank you Madam" masayang saad niya.

"No, thank you Jaki. Napakalaki ng pagbabago na nagagawa mo sa kumpanyang ito" sagot ko.

"Welcome Madam, sige labas na ako" at naglakad na siya paalis.

"Kaya pati ako Jaki binabago mo" nakangiting bulong ko.

When the clock strikes at 6pm. Lumabas na ako ng opisina ko.

"Oh! Aga mo yata?" Naghahanda na rin si Jaki pauwi na ng datnan ko siya.

"Yeah, gusto ko na rin umuwi eh" sagot ko.

"Nice, bagong buhay" pang-aasar niya.

"Ikaw kasi binabago mo ako" pasweet na sabi ko. "Uy Jaki! Namumula ka"

"Che! Pakilig ka diyan!" Diretsahang sabi niya.

"Bakit? Gusto mo ba pakiligin pa kita?" Hirit ko. Wala na namang ibang tao dito kundi kaming dalawa.

"Siraulo ka no? Wag mo nga akong pagtripan" angal niya.

"Hindi kita trip, gusto kita. Magkaiba kasi ang trip sa gusto" saad ko at mas namula si Jaki.

"Excuse lang, CR lang ako" iwas niya.

"Hoy! Kunwari pa diyan kinikilig ka lang naman!" Pahabol ko sa kanya.

Totoo naman 'yon. Gusto ko siya. Gustong gusto ko siya.

Magkasabay na rin kaming bumaba at patuloy lang ako sa pangungulit sa kanya. Ang cute niya kasi sa tuwing naasar siya sa akin.

"Nga pala Vice, doon ba sa company outing pwedeng magsama?" Nasa company van na kami nang magtanong siya.

"Aba malay ko sayo. Ikaw gumawa nun eh" napaisip naman siya.

"Nakalimutan ko yata" napakamot ulo na lang siya.

"Bakit may isasama ka ba sana?"

"Oo, sana" sagot niya.

Love Him FirstOnde histórias criam vida. Descubra agora