TEN

1.2K 46 1
                                    

"Ano ba naman kasi ang ginawa ko?" Natatawa ang mga kaibigan ko sa akin.

"Sabihin na natin na nadala ka ng bugso ng pagmamahal este bugso ng damdamin kaya nayakap mo siya hahaha" saad ni Neggy.

"Infairness kahit kami nagulat sa ginawa mo" saad ni Laccy.

"May we call on Madam Vice here on stage.." Tumayo ako at pumunta sa stage.

Heto na.

"Siguro nagtataka kayo kung bakit may paganito ako ngayon. I have this big announcement to make pero before that I have three good news to all of you here.."

"First, remember the survey? Yes, kung ano man ang sinulat niyo sa papel na 'yon, ganon din ang matatanggap niyo ngayon" nagpalakpakan naman silang lahat lalo na ang mga empleyado kong pinili na magpunta dito.

"Second, the fair share na nirerequest ng Visayas at Mindanao. I will grant your wish" mas lalong lumakas ang sigawan nila.

"Third, Increase in salary. Yes, birthday ko pero kayo ang may regalo" Pansin ko ang saya sa mga mukha nila. Sana totoo ang lahat ng ito.

"And for my big announcement, alam natin lahat na matagal na sa business industry ang company na ito. Through ups and downs hindi niyo ako iniwan pero hindi maikakaila na tatanda tayong lahat..

"May ilan na magreretire at magreresign. May mga tatagal at meron ding hindi. At kahit ako ay dadating sa puntong ito. Days before my birthday, sumagi sa isip ko. Kung dumating ang oras na hindi ko na kaya, na pagod na ako, kanino ko iiwan ang kumpanyang ito..."

"Paano ang mga empleyado ko? Paano sila? Kaya napag-isip isip ko. Kailangan ko ng isang tao na mapagkakatiwalaan sa business na ito..."

"Wala akong anak o pamilya na maaring pagbigyan nito kaya naisip kong humanap ng magmamana ng kumpanya. Before this year ends, pipili ako ng magiging tagapagmana ko"

And then I leave the stage.

"Is this for real?" Hindi makapaniwalang tanong ni Laccy sa akin.

"Ipapamana mo ang company mo?" Nanlalaking mata na tanong ni Neggy.

"Bakit hindi na lang sa amin?" Kaagad nilang binatukan si Wacky.

"Beshies, alam ko hindi pa kayo makapaniwala pero dadating ako sa punto na kailangan kong ipasa ang responsibilidad ko sa iba--"

"Pero bakit agad-agad? As in? Before this year ends may tagapagmana ka na?" Anton.

"Oo, bago matapos ang taon" sagot ko.










Maaga pa lang ay nasa padalahan na ako, kailangan ko ipadeliver ang mga items ko.

"Oo, nga eh. Grabe mag-aapply na ako diyan. Mamaya mapili pa ako" rinig kong chikahan nung mga babae sa harap ko.

"Ang yaman yaman niya tapos sa hindi niya kamag-anak ipagkakatiwala ang business niya? Wow!" Humahangang sagot nung lalaki.

"Iba talaga si Vice, siguradong magiging in demand ang products nila" hindi na ako nakinig sa kanila. Kay aga-aga puro buhay ng iba ang pinag-uusapan.

On-time naman akong dumating sa opisina. Nagulat pa nga ako dahil ang daming tao sa lobby. Applicants yata.

"Jen, bakit ang daming tao sa lobby ngayon?"

"Akala ko ba umattend ka sa party kagabi? Bakit hindi mo alam?" Tanong ni Jen habang nagreretouch.

"Umuwi ako kaagad, hindi ko tinapos. So bakit nga?" Di niya ako sinagot.

Love Him Firstحيث تعيش القصص. اكتشف الآن