THIRTY SIX

886 36 11
                                    

Gulat na gulat kami parehas ni Ate Tina sa pagbagsak ng kamay ni Vice sa harap namin.

Ngayon pa lang ay nakikita ko na ang galit sa mga mata niya.

"Vice please kumalma ka muna" pauna ko pero tinabig niya ang kamay ko.

"Paano ako kakalma Jaki?! Pinapunta mo ako dito para sa mga plano niyo!!" Galit na sabi niya. Mabuti na lang at walang tao sa napili naming lugar.

"Vice pwede ba makinig ka muna sa amin? Ako ang nagpumilit kay Jaki na pumunta dito" pagsabat ni Ate Tina na kaagad tiningnan ni Vice ng masama.

"At ikaw!! Bakit ba sinasangkot niyo si Jaki sa gulo ng walang kwentang pamilya natin? Gusto niyo pa bang magkagulo rin kami? Hindi pa ba sapat na nagulo niyo ang buhay ko!!" Bulyaw niya kay Ate.

"Vice!! Igalang mo naman siya, Ate mo siya" saway ko.

"Wag kang makialam Jaki!!" Giit niya.

"Vice, please mag-usap naman tayo ng maayos. Gusto ko lang naman na puntahan mo si Nanay--"

"Si Nanay na walang pakialam sa anak niya na kahit lumayas ako ay hindi manlang ako nagawang pabalikin!! Napaka-walang kwenta!!" Nagulat ako ng sampalin siya ni Ate Tina.

"Wala kang karapatang pagsalitaan si Nanay ng ganyan! Anak ka lang Vice, anak niya lang tayo" galit na sabi ni Ate. Ito na nga ba ang ikinakatakot ko, mas lalong magiging magulo.

"Hahaha" pagtawa ni Vice na pinagtakahan namin. "Ako? Ako anak niya? Hahaha Nagbibiro ka ba Tina? Matagal na iyon, matagal na siyang nawalan ng anak"

Nakakainsulto ang ginagawa niya ngayon. Hindi siya ang Vice na nakilala ko.

Bumabalik si Madam V sa kanya.

"Vice, kahit puntahan mo lang si Nanay sa ospital" pagmamakaawa ni Ate Tina.

"TAPOS ANO?!!"

"Magdadrama kayo sakin? Hihingi kayo ng pasensiya sa akin? Magpapaliwanagan tayo tapos magiging maayos? Ganon ba ang gusto niyong mangyari? Hahaha pampelikula lang ang iniisip niyo dahil simula ng umalis ako sa atin, nawalan na rin ako ng pamilya" dagdag ni Vice.

"Nagmamakaawa ako sayo Vice, gusto mo lumuhod pa ako sa harapan mo para lang puntahan si Nanay. Kailangan ka niya Vice" umiiyak na sabi ni Ate Tina na akmang luluhod na pero kaagad kong pinigilan.

"Ate wag!! VICE, ANO BA? Hindi ka manlang ba naaawa sa kanya? Sa nanay mo? Sa pamilya mo?" Naiinis na saad ko.

Hinila ako ni Vice palapit sa kanya. Iyong paghila na parang hindi niya ako kilala.

"Wala kang alam Jaki!! Wala kang alam sa napagdaanan ko!!"

"Bitiwan mo nga ako Vice, nasasaktan ako" at kinuha ko ang braso ko sa kanya.

"Mas pinipili mo ang walang kwenta kong pamilya kesa sa akin?" Napailing na lang ako sa inaasal ni Vice. Alam kong galit siya pero sana naman matuto siya ng respeto.

"Alam mo kung gaano kita kamahal Vice" sagot ko.

"Eh bakit kinakampihan mo sila kesa sa akin? Bakit pakiramdam ko pinapaboran mo sila kesa sa akin?!! Bakit Jaki? Bakit?!!" Gigil na gigil na sabi niya.

"Kasi nga mahal kita!! Mahal kita kaya gusto kong maayos na rin ang pamilya mo!!"

"TANGINA JAKI!! KUNG MAHAL MO AKO SANA HINDI SA GANITONG PARAAN MO PINAPAKITA IYON!!"

Naluha kaagad ako bigla matapos niyang magsalita.

"Sinabi ko sayo na pag-aawayan natin ito. Pag-aawayan natin kapag hindi mo pinutol ang koneksyon mo sa kanila pero heto! Nandito ako, nandito ako sa harap niyo, tagumpay ang plano mo!! Nakakagago Jaki!! Nakakagago"

Love Him FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon