FOUR

1K 37 1
                                    

10:30 am nang dumating ako sa opisina.

Kaagad din namang dinala sa akin ng secretary ko ang mga papel na binilin ko sa kanya kahapon.

"Madam, I would like to remind you about your 11am meeting with the Sales and Lunch meeting with your investors" pagreremind niya, pero may kasalanan pa siya sa akin.

"Bakit wala ka na sa table mo paglabas ko kagabi?" Walang emosyong tanong ko. Natahimik muna siya bago sumagot.

"Po? 6pm po ang uwian tapos nakatulog kayo kaya di na ako nagpaalam" Tss walang kwentang dahilan.

"Eh di sana hinintay mo akong magising!! Napakadaming gawain sa kumpanyang ito tapos atat na atat ka umuwi!!" Tumaas ang boses ko sa dahilan niyang iyon. Sa halip na magsorry, nagawa pa ng excuse.

"Di naman po sa ganon" despensa niya. Talagang may ipinaglalaban ang babaeng ito.

"Eh ano? Traffic kaya maaga ka uuwi? May sundo ka ba? Sinusundo ka ba ng boyfriend mo? Ng asawa mo? Kaya uwing uwi ka na!!" Galit kong pahayag.

"Wala po akong ganon. Nakalagay po sa contract ko na hanggang 6pm lang ang work sched ko" paliwanag niya. Pansin kong naiinis na rin siya pero ako ang boss dito.

"So what? As my secretary, kailangan nandito ka lagi tuwing may kailangan ako. At di ba naexplain sayo ang salitang overtime!! Babayaran ka naman ah!!" Alam ko namang mahirap magtrabaho sa company ko pero may katapat itong malaking sweldo.

"Mawalang galang lang po Madam. Kontrata ko ang nagpapatunay na until 6pm lang ang work sched ko at choice ko kung mag-oovertime ako. Pasensiya na po kung hindi ako nakapagpaalam. At kung hindi din ako nag-overtime dahil hindi ako katulad ng iba na papatayin ang sarili sa trabaho. Marami pa pong umaasa sa akin sa pag-uwi at pagpasok ko dito" paunang paliwanag niya, sasagot na sana ako pero nagsalita ulit siya.

"At hindi po ako member na ma-OT group na magpapakamatay sa trabaho para sa overtime pay dahil mas gugustuhin ko pang gugulin ang oras ko sa pamilya ko. I'm sorry Madam and excuse me"

Natameme ako sa sinabi niya.

"Subukan natin kung saan tatagal 'yang ugali mo Ms. Gonzaga" naiinis na saad ko nang magwalkout siya.

Dahil may meeting ako ngayong 11, nagpasama na lang ako sa HR. Naiinis pa rin kasi ako sa inasal ng magaling kong secretary.

"I need one HR personnel para magtake down ng minutes sa meeting. Pakibilis at magstart na ang meeting" dumaan ako sa harap niya. Busy naman magtrabaho kaya hinayaan ko na.

11:45 am

"Ms. Jaki, magprepare ka. Samahan mo ako sa lunch meeting ko" saad ko pagdaan sa harap ng table niya. "Bilisan mo at ayaw kong malate"

Nakasakay na ako ng elevator ay wala pa siya at pasara na ito ng dumating siya kaya naiwan siya.

Kitang kita ko ang pagtakbo niya para lang maabutan ang elevator pero wala. Mabagal siya na ikinatawa ko.

Sumakay ako company car namin at hinintay ang magaling kong sekretarya. Napili ko rin munang magpahinga habang bumabyahe.

Pansin ko namang nagbubulungan ang driver at ang secretary ko, pamaya-maya pa ay magkasabay silang tumawa.

"Bakit kayo tumatawa?" Mataray na tanong ko.

"Wala po Madam" sagot ni Jaki at umiwas ng tingin. Ako ba ang pinag-uusapan nila.

Pagdating sa restaurant ay wala pa ng kameeting ko kaya...

"Mag-order ka ng best sellers nila dito" utos ko kay Jaki.

Love Him FirstWhere stories live. Discover now