THIRTY THREE

1K 26 1
                                    

Sabado ngayon, nagpaalam ako kay Vice na hindi ako papasok dahil may aasikasuhin ako.

Nagdahilan na lang ako pero ang totoo ay kikilalanin ko yung tumatawag at nagtetext sa kanya. Makikipagmeet ako sa kanya.

"Hello Love,nasaan ka ba? Kanina pa ako dito sa bahay niyo. Gusto mo ba sunduin kita?"

"Hindi na Vice,patapos na rin ito. Tawagan na lang kita kapag pauwi na ako"

"Oh sige. Mag-iingat ka Jaki. I love you"

"Sige. Bye"

At binaba ko ang cellphone ko.

Maraming nangyari nitong nakaraang araw. Napapadalas ang pagbisita ni Karylle sa office. Palagi rin naabala si Vice sa tumatawag sa kanya.

Ilang beses ko na siyang tinatanong pero palagi niyang sinasagot sa akin na wala siyang babae.

Eh paano kung lalake pala? Nagbabalik-loob na naman siguro siya.

"Miss ikaw ba yung nagtext sa akin? Yung nakikipagmeet?" Mas lalo akong nanlumo sa nakita ko.

Kaharap ko ang isang babae na sa palagay ko ay nasa 30's na. Maganda siya at maputi.

Siya ba ang ipinalit sa akin ni Vice?

"Kilala kita, ikaw yung girlfriend ni Vice diba?" Tanong niya. Teka bakit kilala niya ako?

"Maupo po muna kayo" ito ang unang lumabas sa bibig ko. Tama ba ang desisyon kong makipagkita sa kanya.

"Salamat. Salamat din at pumayag ka rin na makipagkita sa akin" at ngumiti siya.

"Kaano-ano mo si Vice? Bakit ka tawag ng tawag sa kanya? Bakit ka text ng text sa kanya?" Sunod sunod na tanong ko.

"Teka Miss. Chill ka lang diyan"

"Anong chill ka diyan? Alam mo bang ginugulo mo siya? Ginugulo mo kami? Babae ka ba niya ha? Babae ka niya?!" Naiinis na tanong ko pero natawa lang siya.

"Anong nakakatawa?" Mataray na tanong ko.

"Ikaw" sagot niya. Kung wala lang tao dito baka nahila ko na ang buhok niya.

"Tumawa ka pa, masasaktan ka sakin" pagbabanta ko kaya tumigil siya.

"Wag mainit ang ulo Miss, wala akong masamang intensyon sa inyo"

"Siguraduhin mo lang dahil hindi ako magdadalawang isip na saktan ka" natawa ulit siya pero hindi na katulad kanina.

"Sa katunayan niyan hindi naman talaga ako ang gustong kumausap sayo kundi siya.." Sabay nguso niya sa bandang likod ko.

"Jaki..."

.

.

.

.

.

"Jelo kumain ka muna dito Anak" wala pa rin si Jaki at kanina pa ako dito sa kanila. Di na rin ako pumasok dahil wala rin naman akong gaanong trabaho.

"Ikaw Tay? Di ka po kakain?"

"Mamaya na pagdating ni Mommy mo, busog pa naman ako" ako na muna ang nag-asikaso sa kanya habang wala si Jaki.

"Sabi po ni Mommy pupunta daw kami kila Lolo ngayon. Birthday daw po ng anak ni Tito Kiko bukas"

"Ihahatid ko nga sana kayo kaya lang wala pa si Mommy mo"

"Hindi ka po sasama sa amin?"

"Nako hindi muna. May pupuntahan rin kasi ako bukas. Babawi na lang ako pagbalik ko" sagot ko habang naghuhugas ng plato.

Love Him FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon