ELEVEN

1.1K 39 9
                                    

Naihatid naman ako ng maayos ni Manong George. Bumaba lang ako sa may kanto dahil hindi pwedeng basta basta ipasok ang four wheels sa lugar namin.

"Jelo!! Nandito na si Mommy mo!" Naabutan kong nagsasampay ng damit si Nanay sa labas ng bahay nila.

"Mommy koooo!" Sinalubong agad ako ng yakap ni Jelo. Tanggal pagod kaagad.

"I have something for you but first.." Tinuro ko ang pisngi ko at automatic niya akong hinalikan ng sunod sunod.

"Akyat tayo sa taas doon natin buksan" madali kaming umakyat para buksan ang regalo ni Madam.

"WOOOOW" Masayang niyakap ni Jelo ang regalo ko na para sa kanya. Vinedio ko pa talaga ang magiging reaksyon niya.

"Nagustuhan mo?" Tanong ko.

"Gustong gustong gusto! Thank you Mommy" pagpapasalamat niya.

"Sa totoo lang sa boss ko 'yan galing" saad ko.

"Po?"

"Birthday niya nung isang gabi tapos kami ang binigyan niya ng regalo. Naisip ko na 'yan ang isulat sa wish ko kaya hayan! May new Buzz Lightyear ka na"

"Wow! Ang bait po pala ng boss mo Mommy. Pakisabi po sa kanya Thank you ng madami"

Masayang masaya ang anak ko. Hinelara pa niya ang bago niyang laruan sa mga robot niya. Mas malaki ang robot na bago niya ngayon.

"Anong itatawag mo sa kanya ngayon?" Tanong ko habang naghahanda ng pagkain namin.

"Ano po ba ang pangalan ng boss niyo?" Tanong niya bago umupo sa harap ng lamesa.

"Madam V ang tawag ko sa kanya, short po Jose Marie Viceral" napataas kilay ang anak ko.

"Bakit po Madam? Panlalake naman ang pangalan?" Hinarap ko siya para mag-explain. Minsan mahirap din magkaanak ng matanong.

"Katulad kasi siya ni Mama Lucy mo" sagot ko at pinisil ang chubby cheeks niya. "Wag ka na magtanong, name your new toy na lang"

"Sige po, simula ngayon ang pangalan mo na ay...ay.. V. As in letter V"

"Hay nako, kumain na nga lang tayo at baka nagugutom ka na"

Nagbonding na rin kami pagkatapos. Kailangan ko rin gawin ang ilan pang gawain sa bahay kaya sinulit ko na habang di sumasakit ang paa ko.

Alas tres ng hapon ay nagtext sa akin si Madc. Pumunta daw ako sa bahay nila dahil may ibibigay daw siya sa akin.

"Nanay?.."

"Oh Jaki? May kailangan ka anak?" Tanong ni Nanay Caring.

"Patingin tingin naman po kay Jelo sa taas, nakatulog po kasi. May kukunin lang po ako kay Madc" Pumayag naman si Nanay.

Nagmadali na akong mag-ayos at umalis.

Ilang kanto lang naman ang layo niya sa amin kaya nilakad ko na lang.

"Tao po! Tao po!" Sarado ang gate nila ng dumating ako.

"Uy Jaki, pasok ka dali" excited na saad niya.

"Si Bullet nasaan?" Palagi kasi akong sinasalubong ng anak niya sa tuwing pumunta ako dito.

"Kasama ng tatay niya, oh siya heto pala yung mga bagong damit natin para sa sayaw" Sus akala ko kung ano na!

"Akala ko naman kung ano na!" Natawa naman siya.

"At heto pa, padala 'yan ni Mama galing probinsya" inabot niya sakin ang isang medyo malaking plastic.

Love Him FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon