FIVE

1K 40 0
                                    

"Mommy ko, okay ka lang po?" Lumapit sa akin si Jelo at hinaplos ang pisngi ko.

"Yes baby okay lang ako. Pagod lang sa trabaho"

"Talaga po? Para pong ang lungkot niyo eh" nag-aalalang sabi niya.

Sino ba namang magiging masaya sa nangyari sa akin ngayong araw.

Napagalitan ako pagdating sa opisina dahil sa pag-uwi ko ng maaga kahapon.

Binastos ng kung sinong lalake.

Nasigawan ng boss.

Nahusgahan ng mga tao.

Mabuti na lang at kinausap ako ng ilang staffs nila dahil kung hindi baka di na ako babalik sa trabaho ko.

"No, maayos lang si Mommy" nagpout ang anak ko at kaagad akong niyakap.

"Sabihin niyo lang po kapag nawala na ang problema para pakawalan ko kayo Mommy" niyakap ko rin naman siya. Napakasweet na bata.

"Wag kang mag-alala, pagod lang talaga si Mommy sa trabaho" tumango naman siya at hinalikan ang noo ko.

"Things will be better Mommy" nagsmile siya at talaga namang napakacute.

"Ikaw talaga pinapaandaran mo na naman ako ng charming mo" sabay kiniliti ko siya pero nagawa niyang lumayo.

"Naman! Mana po ako sayo eh" sagot niya at naglaro ulit.

Inaasikaso ko ang orders ko sa online shop nang biglang tumawag si Madc.

"Bes!!!" Sigaw niya sa kabilang linya.

"Ano ba? Ang sakit mo sa tenga" reklamo ko.

"May raket kami sa Sabado, sasama ka ba?"

"Wait, saan ba? Ang oras?" Tanong ko. Ayoko rin namang magtampo ang anak ko kung pati weekends ay hindi ko siya makakasama ng buong araw.

"Hapon pa Bes, 3pm sa mall lang. Text ko sayo ang address mamaya. Ano gora ka ba?"

"Text na lang kita kapag nakapagdecide na ako. Alam mo naman na walang maiiwan sa anak ko diba?" Narinig yata ni Jelo kaya nagtataka siyang lumingon sa akin.

"Oh siya basta bilisan mo lang para maayos ko na kaagad. Bye bes, paki-kamusta na lang ako kay Jelo baby"

"Sige. Bye bes and thank you"

"May trabaho ka po ulit Mommy? Si Tita Madc po ang kausap niyo diba?" Sa tanong ng anak ko alam kong may halong pagtatampo.

"Tinatanong lang niya ako kung gusto ko daw sumama sa raket nila sa Sabado. Hapon pa naman at maaga akong makakauwi--"

"Pero diba po kailangan niyong tapusin ang events bago umuwi" naupo siya sa harap ko habang nakatukod ang dalawang kamay sa baba niya. "Sino pong magbabantay sa akin?"

Wala kasi si Nanay Caring kapag Sabado dahil bumibisita siya sa mga anak niya.

"Hindi pa naman naka-Oo si Mommy eh. Wag ka nang magtampo okay?" Maluha-luha naman siyang tumalikod sa akin.

"Basta po wag ka gabi uuwi" saad niya. Hay ang batang ito talaga.

Eksakto namang nagtext si Madc ng address ng mall na pupuntahan namin.

"Eh kung isama na lang kita" saad ko at nilapitan ang nagtatampo kong little angel.

"Di ka po papayag kasi baka makulit ako" tugon niya habang busy pa rin sa paglalaro.

"Ay ayaw yata ng baby ni Mommy" Tumayo ako at lumayo sa kanya. "Sayang sa mall pa naman 'yon. Pwede kaming maglaro sa arcade o kaya mamasyal"

"Talaga po?!!" Excited na tanong niya. Bilis magbago ng mood.

Love Him FirstWhere stories live. Discover now