FIFTHTEEN

1K 32 0
                                    

Umuwi akong may ngiti sa labi. Si Madam kasi kung ano anong sinasabi sa akin.

Aaminin ko, kinikilig ako pero pinipigilan ko sa harap niya.

"Nay, pa-bless po" dumaan ako kila Nanay Caring.

"Bless you, mukhang masaya ka ngayon ah. Blooming ba" natawa naman ako.

"Di lang po pagod sa trabaho. Si Jelo po?"

"Nasa taas na, kasama si Meriel" umakyat na rin ako pagtapos namin mag-usap ni Nanay.

Medyo nagulat ako dahil pagbukas ko ng pinto, walang Jelo na sumalubong sa akin.

"Baka nasa kwarto" saad ko. Binaba ko ang gamit ko at nagpunta sa kwarto.

Gulat na gulat si Meriel ng makita ako.

"Hi Mommy ko!!" Sinalubong ako ni Jelo.

"Mabait ka ba ngayon?"

"Opo, mabait na mabait" sagot ng anak ko.

"Meriel salamat sa pagbabantay kay Jelo"

"Wala 'yon Ate Jaki" pansin kong kinakabahan siya.

"Bakit parang kabado ka? Ako lang naman 'to" natawa naman ako.

"Ha? Wala Ate, gusto ko kasing magbanyo. Oo, naiihi na kasi ako" naguluhan ako sa kanya pero hinayaan ko na lang.

Lumabas din si Meriel ng walang paalam sa akin.

"Bakit dito kayo naglalaro ni Ate Meriel mo? Diba dapat sa labas lang"

"Dito po gusto ni Ate eh, sinunod ko lang po" sagot ng anak ko.

"May pasalubong pala si Mommy, tara" binuhat ko siya palabas ng kwarto.

"Kanino po ito galing?"

"Sa boss ni Mommy, galing daw siya ng Baguio"

"Nililigawan ka ba niya Mommy?" Nasamid ako sa tanong ni Jelo. "Too obvious"

"Loko ka ah! Hindi, mabait lang siya sa akin" depensa ko.

"Bakit po binibigyan ka niya ng roses?" Palibhasa kasi inuuwi ko lahat ng binibigay ni Madam.

"Bawal ba? Ikaw rin naman binibigyan mo ako ng bulaklak" sagot ko.

"Magkaiba po 'yon. Ako po baby niyo, bakit baby niyo rin po ba siya?" Natawa naman ako sa tanong niya.

"Alam mo ikaw, ang dami mong alam. Wag mong bigyan ng ibang kahulugan ang ginagawa ni Madam sa akin, okay?" Hinarap ko siya.

"Baka lang po kasi mamaya hindi na siya Madam, Sir na siya" natawa ulit ko.

"Puro ka kalokohan" pinisil ko ang ilong niya. Ang kulit eh.

"Mommy, alagaan mo rin po ang puso mo katulad ng pag-aalaga mo sa akin. Ayoko po na masaktan ka katulad ng ginawa ng daddy ko sayo" ngumiti lang ako.

"Kung sakaling sigurado na siya sa akin, ipapakilala kita sa kanya. Gusto ko na ikaw muna ang mahalin nila bago ako" niyakap ako ni Jelo.

Batang ito talaga minsan ang kulit pero madalas sweet.

Hindi ako pumasok kinabukasan dahil ipapa-check up ko si Jelo.

"Maayos naman ang kondisyon ni Jelo. Mabuti at hindi pa ulit lumalaki ang butas ng puso niya. He looks so normal" Balita ni Doc Jed.

"Sige Doc, aalis na rin kami. Jelo paalam ka na kay Doc"

"Babye po. Salamat po sa pagcheck sa akin"

Love Him FirstWhere stories live. Discover now