TWENTY THREE

1K 31 5
                                    

Ilang araw na ang nakakalipas simula noong bumisita si Tom dito sa bahay. Mabuti na lamang at isinama kami ni Vice sa bahay niya.

Nagbago bigla ang takbo ng hangin. Akalain mong lahat ng plano nila dito sa barangay ay bigla nilang itinigil. Maayos na lahat, maging mga nasunugan ay inabutan nila ng tulong.

"Nagbabago na siguro"

"Baka naglilinis ng pangalan" nandito ako sa office ni Vice ngayon. May sasabihin daw siya sa akin.

"Kunsabagay, pinag-usapan sila dahil sa ginawa nila sa barangay. Kumikilos na rin ang abogado na kinuha namin. They are doing their best para hindi na sila manggulo" tinutulungan din kasi kami ng mga kaibigan ni Vice.

"Salamat sa tulong niyo. Naappreciate ko lahat"

"Walang anuman Jaki, we are doing this dahil ito ang tama"

"Vice,may sasabihin ka daw sa akin?" Nag-aalangan siyang humarap sa akin.

"Basta wag kang mabibigla?"

"Buntis ka?!!" Kaagad niyang binato ng tissue si Wacky.

"May matres ako? Siraulo ka!" Natawa na lang ako sa inasal nila.

"Balik tayo sa topic natin Jaki"

"Tayo? Kayo na?" Muling binato ni Vice si Wacky. Ang kulit eh.

"Isa pang entra mo ikaw ibabato ko palabas ng building na ito!!"

"Sorry na hahaha"

"Ayon nga Jaki, remember mo noong nakipagmeeting ako sa client sa labas. May nairecommend siya sa aking potential investors"

"Oh good news. Anong magagawa ko doon?" Tanong ko.

"Wala naman dahil ako ang gusto nilang personal na makausap kaya lang there is this business event sa Cebu. Gusto ko sana na ikaw ang ipadala as a representative ng Vice Co."

"ANO?!"

"Gulat na gulat Jaki?" Saad ni Neggy.

"Jaki ikaw na lang ang option ko. Ikaw ang magaling sa ganito and naalala mo nung event sa Batangas, marami kang nakausap na business owners at lahat sila bumilib sayo. Jaki, please pumayag ka na"

"Bakit hindi na lang ikaw?"

"Kasi nga yung investors na darating ay gusto personal akong makausap. Sakto natapat ang event sa Cebu sa meeting namin. Please, pumayag ka na" pagmamakaawa ni Vice.

"Akong bahala sa anak natin. Ako mag-aalaga sa kanya dito. Please Jaki"

Para sa kumpanya.

Para sa kanya.

"Sige, payag na ako"

"Talaga? Yehey!!" Tumayo siya at niyakap ako.

"Ehem" tikhim ng mga kaibigan niya.

"Nakalimutan agad kami Vice? Moment na moment?" Natawa na lang kaming dalawa sa sinabi ni Laccy.

"Alis na nga tayo, nakakaabala tayo sa dalawang 'yan"

"Uy hindi po. Dito na lang kayo, ako na ang lalabas" pagpigil ko.

"Kailangan na rin talaga namin umalis. May trabaho pa kami" paalam nila kaya naiwan kaming dalawa.

"Mapunit naman ang pisngi mo, hindi na mawala 'yang ngiti mo"

"Masaya lang ako Jaki. Akala ko kasi mahihirapan akong pilitin ka"

"Ginamitan mo ako ng charms mo eh"

"Sus! Pauso ka Jaki"

"Ikaw nga ang pa-pogi diyan. Kainis ka,alam mong kahinaan ko yan" hirit ko at nagpigil naman siya ng kilig.

Love Him FirstWhere stories live. Discover now