THREE

1.1K 32 3
                                    

"Miss Jackque Gyl Gonzaga?" Tumayo naman ako agad. "You're next"

Papasok pa lang kami sa opisina pero isang grupo ang nakasalubong ko na umiiyak.

"Mag-ingat kayo. Ganyan talaga si Madam eh, pasensiya na" rinig kong bilin ng babaeng tumawag sakin sa interview.

"Kasalanan din po naming mga OJT, sorry din Ma'am kung napagalitan ka rin po" saad nung isang babae habang umiiyak.

"Oh siya, see you around na lang. Balitaan niyo ako sa mangyayari" tumango sila at kami naman ay nagpatuloy na sa paglalakad.

Pagpasok namin sa opisina ay isang galit na boses ang bumungad sa akin.

"YOU!!" pagtawag niya. Ako ba ang tinutukoy niya.

"Me?" Paninigurado ko.

"Aplikante ka?" Tanong niya. Siya siguro yung naririnig kong sumisigaw kanina.

"Opo" kinakabahang sagot ko. Kakainin ba niya ako ng buhay? Oh No!

"GO BACK TO WORK!!" utos niya at nilapitan kami.

"50,000 starting salary, with complete benefits, monthly allowance covered your transportation and meal kapag my official business meeting. And monthly grocery supply with one sack of rice" sunod sunod na saad niya na tanging tango lang ang naisagot ko.

"Lahat 'yon kapalit ng pagiging secretary mo" Naintindihan ko naman ang offer niya pero yung posisyon? Parang malayo sa inapplayan ko.

"Pero hindi po secretary ang ina--" pinutol niya ako.

"I don't care. Gusto mo ba yung offer o gusto mong ibigay ko sa iba?" Natameme naman ako. Pinag-iisipan ko ang sinabi niya. Malayo ito sa inaapplayan ko pero matutulungan ako ng offer niya.

Sasagot pa lang ako pero...

"Gawan niyo na siya ng contract of employment, ID and other company requirements tapos Ches introduce her sa heads natin. After that Miss--?" Tumaas ang kilay niya, tinatanong yata ang pangalan ko.

"Jackque Gyl Gonzaga, Jaki for short" sagot ko sabay ngiti.

"After that Jaki, pumunta ka sa office ko" bilin niya bago umalis.

"Akalain mo 'yon. Walang interview pero hired ka na kaagad" di makapaniwalang saad ni Sir Ches. "But sa resume mo mukhang competent ka naman. By the way, I am Chester, Recruitment Manager. At 'yong nakausap mo ay ang CEO at owner ng company na ito"

"He is Jose Marie Viceral pero mas preferred niyang tawagin as Madam Vice or Madam. I know may first impression ka na sa kanya, diba?"

"Masungit po siguro at strikto siya" sagot ko.

"Hindi siguro, dahil masungit talaga" biro niya na ikinatawa ko. "Sige, simulan na kitang ipakilala sa heads at supervisors. Jen, pakiasikaso ng bilin ni Madam tapos forward mo agad sakin para sa pirma"

Tinour niya ako sa opisina nila at ipinakilala sa heads ng bawat department. Sa sobrang dami hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila pero bibigyan naman daw ako ni Sir Ches ng list of names at igaguide ako sa unang linggo ko.

"So dito ang workplace mo, if gusto mong baguhin ang design pwede din basta di makakaabala sa trabaho mo. Then that door, office na ni Madam. Balikan kita later para idiscuss ang contract mo and other errands but now you can proceed to Madam V's office. Baka may ipapagawa na sayo" hirit pa niya bago umalis.

Inayos ko muna ang sarili ko at kumatok sa opisina niya.

"Come in!" Pumasok ako at lumapit sa table niya

Love Him FirstWhere stories live. Discover now