SIXTEEN

1K 34 1
                                    

"Ano ba nangyari diyan sa kaibigan natin?" Tanong ni Laccy habang pinagmamasdan si Vice.

Tulog na ito dahil sa kalasingan.

"Hindi ko rin alam, teka si Neggy pala?" Tanong ni Anton.

"Ayaw niya sumama. Kasalanan daw natin kung bakit ganyan si Vice ngayon. May alam yata ang negra" sagot ni Wacky.

.

.

.

Ang sakit ng ulo ko. Naparami yata ang nainom ko kagabi.

Naghilamos ako at bumaba.

"Gising ka na pala beks, kain tayo may almusal na" dito na siguro natulog itong mga kaibigan ko.

"Pasabay naman" Bungad ni Neggy. Saan naman galing ang baklang 'to?

Naupo na ako at nagserve ng pagkain ko. Bahay ko naman ito eh.

"Kumusta ka na beks?"

"Kita mo ng hindi ako ayos nagtatanong ka pa" pambabara ko kay Wacky.

"Sino ba kasing dahilan niyan?" Naalala ko na naman tuloy ang nakita ko kahapon.

"Si Jaki" sagot ni Neggy na nagpalingon sa amin. "I was there Vice, pinacheck up namin ang pamangkin ko. May ebidensya pa ako"

Nilapag niya sa lamesa ang picture ni Jaki habang yakap nung doktor na 'yon.

Badtrip.

"Kaya naman pala todo inom ka kagabi"

"Tss kung alam ko lang na lalake ang dahilan hindi ko na siya sinundan" naiinis na sabi ko.

"By the way, di ba dapat nasa Batangas kayo?"

"Oo, pero nagising kami nung umaga wala siya sa kwarto niya. Nakita ko ang cellphone niya sa kama, isang message lang ang nabasa ko. Address ng hospital, kaya sabi ko baka ito yung emergency na dinahilan niya sa akin dati. Kaya after ng event, pumunta ako ng hospital.."

"Then I found her. Niyayakap ng isang lalake" kwento ko. Natahimik kami ng ilang segundo bago may nagsalita.

"Baka may explanation siya.."

"Ipagtatanggol niyo na naman eh!!" Angal ni Neggy.

"Wag na. This time, mas sure na ako. Wala akong pag-asa sa kanya. Noong mga nakaraang gabi rin habang nasa Batangas kami narinig ko na may kausap siya sa cellphone. Baby pa nga ang tawag, sobrang sweet nila, nag-goodnight at I love you pa nga siya"

"Oh my!!"

"Beks, we're very sorry. Kasalanan namin kasi pinush ka pa namin sa kanya" niyakap naman ako ni Anton.

"Sira! Okay lang 'yon atleast napatunayan ko na hindi talaga siguro totoo na kayang magmahal ng isang babae sa bakla"

Pagkatapos namin kumain ay nakarinig kami ng sumisigaw sa labas.

"Boses ni Kev yun ah" nagmadali kaming lumabas at nandito nga siya.

"Viceral!! Mag-usap tayo!!" Sigaw niya.

"Hoy!! Ke-aga aga nambubulabog ka!!" Ganting sigaw ko.

"Papasukin mo ako, kundi aakyatin ko 'tong gate mo"

"Eh di akyatin mo!! Walang may paki!!" Sagot ko.

"Mag-usap tayo Vice, ayusin natin 'to" pagmamakaawa niya.

Lumapit ako sa gate at nagharap kami.

"Para saan pa? Para lokohin mo ulit ako? Para perahan mo ulit ako? Tama na Kev, pagod na ako sayo. Tapos na tayo" saad ko.

Love Him FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon