TWENTY

1.3K 35 5
                                    

Naudlot ang demolition sa lugar namin. Salamat sa tulong ni Vice at ng mga kaibigan niya. Sila na rin daw ang bahalang gumawa ng hakbang para sa problema ng barangay namin.

At ngayon, nasa byahe na ako.

Babalik na ako sa trabaho. Gusto ko na rin makatulong kay Vice at sa kumpanya. Masyado na siyang maraming nagawa para sa akin, oras ko naman para bumawi.

"Ma'am Jaki!! Welcome back po!!" Bati ng guard sa akin.

"Salamat po" nagbiometrics muna ako bago sumakay sa elevator papunta sa floor ko.

"WELCOME BACK MISS GONZAGA!!"

Surpresa ang bumungad sa akin pagdating sa floor namin. Hindi naman halatang masaya sila sa pagbalik ko.

"Wow, salamat" masaya ako na nakabalik na ako.

"Welcome back Jaki!!" Saad ni Madam.

"Ayieeeee" tukso ng mga kasama ko.

"Salamat" inabot ko ang bulaklak galing sa kanya bago yumakap sa kanya. "Thank you Madam!"

"Sir na, nanliligaw na eh!" Tawanan kami sa hirit ni Sir Ches.

"Sige, Sir na hahaha" saad ni Vice.

"Tara, may pa-breakfast ngayon. Nagbabalik ka na eh" pag-aya ni Jen sa akin.

"Ehem!" Tikhim ni Vice sa tabi.

"Sabi ko nga po Sir kayo ang magkasabay" iniwan kami ni Jen at nauna na sa canteen.

"Happy ka?"

"Sobra, nakakamiss din magtrabaho" saad ko.

"Di mo sinama si Jelo? Yung anak ko?"

"Sira!" Hinampas ko siya sa braso. "Ako na nga ang nandito iba pa rin hinahanap mo"

"Nagtatampo ka ba? Nagseselos ka sa anak mo?"

"Paano kung sabihin kong Oo?" Hinarap ko siya at tumigil muna kami sa paglalakad. Tinawanan naman ako ni Vice.

"Ikaw yata ang sira Jaki eh hahaha. Pati anak mo pinagseselosan mo" halos mawala na ang mata niya sa pagtawa sa akin.

"Nakakatawa 'yon? Nakakatawa 'yon? Siraulo!" Mas lalo siyang tumawa. "Kainis ka!"

"Hahaha kasi naman, anak mo 'yon at isa pa nagpapagood shot lang ako. Alam mo na, baka kapag nakuha ko na ang loob niya, makuha ko na rin yung sayo" kinindatan pa niya ako at hindi ko mapigilan mapangiti.

"Pasalamat ka pogi ka ngayon at kababalik ko lang. Pagbibigyan kita diyan sa pagpapakilig mo" saad ko bago naunang pumunta sa canteen.

Ngayon ko lang nakita si Vice na nakihalubilo ng husto sa empleyado niya. Masasabi kong magaling siyang makisama. Malayo na siya doon sa imahe niyang palaging galit at mainit ang ulo.

"Matunaw mo naman si Sir niyan" siniko pa ako ni Jen.

"Masaya lang akong makita na nag-iiba ang pakikitungo niya sa inyo"

"Dahil 'yan sayo. Kung walang nagtangkang lumaban at ituwid si Sir Vice, panigurado masama pa rin ang ugali niya"

"Sir Vice talaga?" Natawa ako.

"Oo, 'yon ang gusto niyang itawag namin sa kanya. Bagay naman eh, gwapo siya, mukha ng lalake kahit minsan parang babae at isa pa, nandiyan ka na" biro ni Jen.

Di ko na lang pinansin ang pang-aasar niya. Nagfocus na lang ako sa pagkain.

Balik trabaho after ng breakfast. Namiss ko ang table ko, ang computer ko, ang lahat sa office na ito.

Love Him FirstWhere stories live. Discover now