SEVENTEEN

1.1K 41 2
                                    

It's Tuesday, pinili kong wag munang pumasok ngayon.

I have this important work to do.

"Excuse me, may I ask kung kilala niyo itong babaeng 'to?" Tanong ko sa information desk ng hospital.

"Parang nakita ko na siya, yung anak niya pasyente ni Doc Jed" sagot nung babae.

"Okay, may I know where I can find Doc Jed?"

"3rd Floor, pangatlong kwarto sa kanan but Sir, baka nagche-check siya ng patient niya ngayon" dagdag pa nung babae.

"Ganon ba? Sige, salamat" sumakay ako ng elevator. Hindi naman siguro ako kaagad makikilala dahil nakapanlalake ako.

Mag-iisang oras na akong naghihintay at wala pa rin si Doctor Jed. Naiinip na ako.

"Excuse me Sir? May hinahanap po kayo?" Tanong ng janitor sa akin.

"I'm looking for Doc Jed, nak--"

"Looking for me?" Bumuluga ang isang lalake sa harap ko. Gwapo naman, matangkad din pero mas gwapo ako.

"Can I talk to you?"

"Sure, let's go to my office" gwapo sana kaya lang medyo presko.

"What do you need? Check up? Medicines? Second opinion?"

"How are you related to Jaki?" Diretsahang tanong ko.

"Jaki?"

"Jaki Gonzaga"

"Oh that beautiful lady. She's very close to me, in fact ako palagi ang doctor ng anak niya. Why are you asking?" Naparoll eyes na lang ako, mabuti nakashades ako.

"May I also know the name of Jaki's child?" Tumaas ang kilay niya.

"Kasamahan mo ba 'yong nagpunta dito kanina?"

"What?" I asked.

"Pagpasok ko pa lang kanina may naghihintay na sa akin dito. Isang medyo may edad na babae at isang lalake. Anak niya yata and tinatanong din nila ang tungkol sa tinatanong mo" sagot niya.

"Huh? Sino?"

"Do..Dor..yung may ari ng sikat na contruction firm sa Pilipinas"

"Doromal's?"

"Oo, tama ka. They are asking the same questions at may protocol ang hospital about sa information ng amin pasyente. Sorry to tell you, I can't provide much more information" ang tagal ko naghintay wala naman pala akong mapapala.

"Okay, I leave na lang. Thank you for the time"

"Your welcome Sir"

"Ah by the way, I have my last question"

"Sure, what is it?"

"May relasyon ba kayo ni Jaki?" Tinawanan niya ang tanong ko.

"Oh sorry. Nakakatawa lang talaga hahaha. Kasi magto-two years ko ng pasyente ang anak niya and to be honest, I have this special feeling for her. Special girl siya for me" sagot ni Doc Jed, so posibleng may kahulugan ang mga yakap niya kay Jaki.

"Sige, alis na ako. Salamat"

Hindi muna ako umuwi. Pinagconnect ko lahat ng nangyari sa amin ni Jaki.

Kaya siya di umattend ng teambuilding dahil may emergency at dahil 'yon sa anak niya. Hinika daw.

The next is ang event sa Batangas, yung kausap niya sa cellphone na tinatawag niyang baby at sinabihan niya ng I love you, there is a possibility na anak niya ang kausap niya.

Love Him FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon