NINE

979 40 0
                                    

"Kung alam ko lang na ganito kayo kaagang mambubwisit sa opisina ko, naghalf day na lang ako" reklamo ko sa mga kaibigan ko.

Kaaga-aga nandito na kaagad sa office ko.

"Ano ka ba? Excited lang kami sa paparty mo" sagot ni Wacky.

"If I know sa pagkain lang" saad ko.

"Naman!" saad ni Laccy.

"Pero ano? Okay na ba lahat? Maayos na?"

"Oo naman. Hindi ka namin ipapahiya sa mga bisita mo" confident na sagot ni Anton. Siguraduhin lang nila kasi tatamaan silang lahat sa akin.

"Mabuti. Mamaya pala may big announcement din ako.."

"OMG!!!" OA na reaction ni Neggy. "Wag mong sabihin na...No.. Hindi pa namin kaya!!"

Kaagad ko siyang binatukan.

"Siraulo! Hindi pa ako mamamatay!"

"Ay hindi pa ba?" Binato ko kaagad sa kanya ang tissue na nasa harap.

"Ikaw gusto mo mauna? Siraulo!!" Sagot ko.

"Eh ano ba 'yang big announcement mo?" Tanong ni Laccy.

"Mamaya ko na lang sasabihin. Para sabay-sabay niyong malaman" Sagot ko.

Bumukas naman ang pinto kaya naglingunan kami.

"Ay! Good morning po Madam, good morning po sa inyo" bati ni Jaki.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinipat ang suot niyang palda.

"May mali po ba?" Tanong niya.

"Office attire naman siya pero sana walang slit sa gilid. Okay naman magpalda pero sana walang ganyan" nahiya naman siya sa sinabi ko.

"Sorry Madam, last ko na 'to. Di na po mauulit" paghingi niya ng paumanhin.

"Nandiyan na 'yan eh. Oh, anong irereport mo?" Lumayo kami ng konti sa mga tsismoso kong kaibigan.

"Cancelled na po lahat ng meeting niyo ngayong araw as requested. Yung monthly report po ng bawat head is ifo-forward na lang daw po before lunch. That's all Madam" tumango lang ako.

"Sige, you may leave" nakatungo siyang lumabas ng opisina ko.

"Besh, ano 'yon? Bakit parang naging concern ka sa suot ng secretary mo?" Naguluhan ako sa tanong ni Laccy.

"Bakit kayo ba hindi? Too sexy for her ang suot niya" sagot ko na ikinatahimik niya.

"Magpapamisa na ba ako?" Saad ni Wacky.

"Para saan?" Tanong ko.

"Para sayo. This is the very first time na nasexyhan ka sa babae" puna ni Anton.

"Alam mo may napapansin talaga ako.." Naglingunan kami kay Neggy.

"Una, kumuha ka ng secretary mo na mas maganda pa sayo.."

"Parang sinabi mo naman na panget yung kaibigan natin" ganting sagot ni Wacky.

"Patapusin niyo muna ako...Second, di ka na masyadong magagalitin, Third, unlike sa past secretaries mo, hindi mo siya sinisigawan. And last but not the least, nasexyhan ka sa kanya" pagtatapos niya.

"Beks umamin ka nga"

"NAGIGING LALAKE KA NA BA?"

"Aray naman!" Kaagad kong nabatukan si Neggy. Kung ano-anong sinasabi.

"Kadiri ka Neggy!! Mabuti pa lumayas kayo sa opisina ko.."

"Malay lang naman natin, kasi naghihimala ka--"

Love Him FirstDonde viven las historias. Descúbrelo ahora