THIRTY FOUR

1K 32 1
                                    

"Blooming na blooming ka Jaki ah. Iba talaga mag-alaga si Sir Vice" pambobola ni Jen sa akin.

Nakikipagchikahan muna ako sa kanya kasi wala pa naman si Vice. Di na rin kasi kami nag-uusap nito kasi lumipat ako ng office.

"Kay Vice kaagad? Hindi ba pwedeng inaalagaan ko lang ang sarili ko?"

"Given na yun Jaki mas may espesyal na alaga lang kaya mas gumaganda ka"

"Uy Jen baka mamaya pati ikaw mainlove sa akin" sagot ko.

"Yuck! Di tayo talo Girl! Hahaha ay hayan na si Sir" sabay nguso niya sa pintuan.

"Good morning guys!" Bati niya sa mga empleyado at lumapit sa akin.

"Good morning Love" humalik siya sa akin bago pumasok sa opisina niya.

"Bakit parang nakasimangot siya?" Napansin din pala ni Jen. "Nag-away kayo?"

"Hindi no, baka masama lang ang gising. Sige pasok na ako sa loob, trabaho muna tayo" paalam ko bago umalis.

"Nag-almusal ka na? May pagkain ako diyan baka gusto mo" pag-aalok ko sa kanya.

"Hayan na talaga ang kailangan ko" kinuha niya yung paper bag na may lamang pagkain.

"May problema ba? May problema ka?" Inusog ko ang swivel chair ko palapit sa kanya habang nagsimula na siyang kumain.

"May mga nanggugulo lang pero kaya ko pa naman" sagot niya nang hindi tumitingin sa akin.

"Basta kapag di mo na kaya o kailangan mo ng kasama nandito ako para makinig sayo. Para damayan ka" ngumiti siya at lalapit pa sana para humalik sa akin pero lumayo ako.

"Why?!"

"Mamantika ang lips mo. Sayang ang powder ko" napasimangot naman siya. Naalala ko tuloy sa kanya si Jelo. Ganito siya ka-cute kapag nagpapout.

"Ako na lang kikiss sayo" hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi pati sa noo. "Later na sa lips kapag nakatoothbrush ka na hahaha"

"Hahaha salamat dito sa breakfast. Naappreciate ko ang pag-aalaga mo sa sakin Love" saad niya.

"Asus! Nambobola ka na naman diyan. Ubusin mo na yan at marami ka pang trabaho" bumalik na ako sa table ko at nagtrabaho.

Pasimple akong sumusulyap kay Vice na abala na sa pagkain. Kinukuhanan ko rin siya ng litrato.

Naging maayos ang takbo ng umaga hanggang tanghali ko. Madaming trabaho pero kinakaya ko kaya lang pagdating ng hapon nag-iba ang lahat.

"Ano po Ate? Ano pong nangyari?"

"Bakit niyo po siya pinuntahan? Di pa po napag-usapan na natin ang plano?"

"Si Nanay po? Kamusta siya?"

"Jaki sinong kausap mo?" Nagulat naman ako dahil palapit na si Vice kaya binaba ko kaagad ang tawag.

"Wala, customer ko lang sa online shop. Hindi pa daw kasi dumarating ang orders niya" tumango lang siya sa akin.

"Meryenda tayo? Nagpadeliver ako" sumunod lang ako sa kanya at hindi pinahalata ang pagkabalisa sa aking nalaman.

"Love pwede ba akong maunang umuwi sayo ngayon?" Ito na lang ang naiisip kong paraan para madalaw ko si Nanay.

"May lakad ka? Pwede kitang samahan"

"Nako wala. May mga aayusin lang ako sa online shop ko" pagsisinungaling ko.

"Pwede kitang tulungan. Kaunti lang naman ang trabaho ko ngayon"

"Wag na! Kaya ko na ito" pagtanggi ko. Pansin kong tinitigan niya ako, siguro binabasa ang ekspresyon sa mukha ko.

Love Him FirstWhere stories live. Discover now