TWENTY SIX

1.1K 35 2
                                    

Naihanda na namin ang gamit nila Jaki. Bukas na ang operasyon ni Jelo at kailangan na namin pumunta ng hospital ngayon para sa ilang tests na gagawin sa kanya.

Isinakay ko ito sa sasakyan ko, nagpaalam pa ako sa kapitan nila na ipapasok ko ang sasakyan dito sa kanila samantalang si Tom di na kailangan pa. May favoritism din minsan si Kapitan.

"Good luck Jelo, pupunta kami bukas" saad ni Meriel. Nitong nakaraan ko lang nalaman na nagkaaway pala sila ni Jaki mabuti at naayos na. Tungkol daw sa pera, ninakawan daw siya pero sabi ko hayaan na 'yon.

Speaking of pera, hindi pumayag si Jaki na ako lahat ang gumastos sa operasyon. Tinanggap din naman niya yung bigay nila Jen, nagbigay na lang rin ko ng tulong at pandagdag sa kanya. Makulit din kasi siya, sabi ko ako na lang ayaw pa rin.

"Bibisita kami sayo bukas Jelo, pupunta kami" sabi pa ni Nanay Caring na yumakap pa sa bata. Para na niyang tunay na apo si Jelo.

Si Kuya Eddie pala, humingi na rin siya ng pasensiya sa nagawa niya kay Jaki. Dahil daw sa kanya nagkagulo pa, pinatawad na ni Jaki at ako naman binigyan ko siya ng trabaho sa kumpanya. Tulong ko na rin sa kanila ni Ate Amy.

"Babye ka na sa kanila" saad ni Jaki dito sa tabi ko.

Simula nang magkapaliwanagan kami, at noong gabing sinagot na niya ako masasabi kong mas naging maayos kami. Hindi mawawala ang problema pero nagagawa namin itong iwasan o kaya ay bigyan ng solusyon.

"Babye po" hinatid nila kami sa gate at saktong dumating si Tom.

Si Tom. Malinaw na sa akin ang intensyon niya pero naiilang pa rin ako sa kanya. Di pa rin ako kumportable kapag nandiyan siya. Nabawasan ang galit at inis ko sa kanya pero hindi nawala. Sa katunayan, nasampahan na sila ng kaso tungkol sa ginawa nila pero hindi ako ang gumawa.

Pinaatras ko lahat ng demanda sa kagustuhan ni Jaki kaya lang dahil sa popular sila at malaking tao sa industriya may ilan pa rin umaksyon para maituwid ang mali nila. Basta hindi na ako sangkot doon.

"Aalis na kayo? Sabay na kayo sa akin" alok niya.

"Magkita na lang siguro tayo sa hospital Tom, nasa sasakyan ko na lahat ng gamit nila" ako na ang sumagot sa kanya.

"Ako na lang maghahatid kay Jaki at Jelo"

"Hindi na Tom, kay Vice na kami sasabay. Tara na anak" nauna na pumasok sila Jaki sa sasakyan ko, wala na siyang magagawa doon.

"Mag-ingat ka sa pagdadrive" bilin ni Tom.

"Oo naman, iingatan ko yung dalawa" sagot ko na lang, baka magkatensyon pa at magkagulo.

Nagpaalam na rin ako at nagdrive papuntang hospital.

Nakakatuwa nga dahil ang daming nagmamalasakit kay Jelo at Jaki sa barangay nila. Parang lahat sila alam ang pinagdadaanan ni Jelo.

Atrial septal defect o ASD. Iyan ang sakit niya, kung saan kapag malaki ang butas sa puso mo ay kailangan dumaan sa operasyon. Kapag hindi kaagad nabigyan ng lunas makakaapekto ito sa lungs at puso niya. Maaring humina at lumaki ang kanang bahagi ng puso at maaring magcause ng hypertension o kaya naman ay atake sa puso. Marami na rin daw ganitong case sa matatanda at nakakapagpaikli rin ito ng life span ng isang tao kung hindi mape-prevent.

Mahirap rin daw makita ito sa mga bata dahil may ilan daw na healthy pero may iniinda katulad ni Jelo.

I am wishing for a safe operation, alam kong makakaya ito ng anak ko.

Nagpark ako ng maayos pagdating ko sa hospital. Sinukbit ko ang bag nila Jaki.

"Baba na tayo" pababa na ako pero parang ayaw bumaba ni Jelo.

Love Him FirstWhere stories live. Discover now