THIRTY EIGHT

1.1K 36 23
                                    

Guys may bago akong naisip na gawin. Gusto ko sana kayong iinvolve lahat lalo na yung may hidden talent sa paggawa ng stories, short stories or one-shot stories to be exact.

May compilation na kasi ako ng mga ViceJack one-shot stories ko at gusto ko sana na dumami pa iyong mga nagsusulat ng stories nila. For now, pinag-iisipan ko kung ito bang account na ito ang gagamitin ko or gagawa ako ng bago para doon ipublish.

Gagawa din ako ng email para doon isend mga story niyo. Ike-credit ko naman po lahat ng nagsulat ng iyon. Hindi ko po aangkinin.

Isang way ko lang po iyon para mas maging united ang fandom natin. At para malaman natin kung gaano ka-talented ang ViceJack fandom.

Update ko na lang po kayo regarding diyan sa next chapter.

Lablab Guys!

_______________________________________

Maaga akong gumising at naghanda. Inihabilin ko muna si Jelo sa mga kasama ko sa bahay dahil may pupuntahan pa ako.

"Excuse me, may I know the room number of Mrs. Rosario Viceral?" Tanong ko sa receptionist.

"Room 31 Sir" sagot niya kaya naglakad na ako papunta sa kanya.

Sumilip muna ako sa salamin sa may pinto. Maayos na pala siya pero may nakakabit pa ring dextrose sa kamay niya.

"Vice.." Napalingon naman ako.

"Tina!" Nakangiti lang siya sa akin.

"Bakit di ka pumasok? Halika!" Walang habas niya akong hinila papasok.

"VICE.." Gulat silang lahat na nasa loob.

"Tutoy.." Mahinang sabi ni Nanay. Natuon ang atensyon ko sa kanya. Sobrang laki ng ipinayat niya, iba sa nakasanayan kong katawan ni Nanay.

"Tutoy ko.." Ulit niya kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Nanay ko" at hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Iyak ako ng iyak at parehas kaming humihingi ng tawad sa isa't isa. Namiss ko ang mainit na yakap ng nanay ko.

"Kumusta na ang lagay niyo Nay? Gusto niyo po ba na ipatransfer ko kayo sa ibang ospital?" Nag-aalalang tanong ko pero hinaplos lang niya ang mukha ko.

"Ayos na ako anak dahil nandito ka na. Teka, bakit may mga sugat ka? Naaksidente ka ba?" Napangiti ako. Namiss ko ang pag-aalala niya para sa akin.

"Hindi po, nabugbog lang" sagot ko.

"Sinong gumawa niyan sayo? Kakasuhan ko sila!!" OA na sabi nito.

"Wag na po, deserved ko po ito. At isa pa Nay may maganda akong balita sayo" hinaplos ko ang kamay niya habang nakahawak ito sa akin.

"Ano iyon? Sa susunod wag mo hahayaan na mabugbog ka" ngumiti lang ako.

"Magiging lola na po ulit kayo. Buntis po si Jaki, Nay. Magiging tatay na ako" hindi naman siya makapaniwala katulad nang naging reaksyon ko.

"Talaga? Masaya ako para sayo Tutoy" niyakap niya ulit ako.

"Kaya po magpagaling na kayo para maalagaan niyo ang apo niyo sa akin"

"Gagaling na ako kasi nandito ka na. Patawarin mo si Nanay, Anak. Nagkamali ako" saad niya.

"Kalimutan na natin ang nakaraan Nanay. Ang mahalaga po maging maayos na ang pamilya natin ngayon. Promise Nay, babawi po ako sa inyo" at niyakap ko siya ng mahigpit. Nakisama na rin ang mga kapatid at pinsan ko.

Sa wakas, magiging masaya na ang pamilya namin.

"Bakit pala hindi mo kasama si Jaki? Sana ay sinama mo manlang siya dito" napatigil naman ako sa pagkain bago sumagot.

Love Him FirstWhere stories live. Discover now