THIRTY TWO

1.1K 29 4
                                    

Naging busy kaagad kami ni Vice pagbalik sa Manila. Maglalabas din kasi ng bagong products ang cosmetic company niya kaya naman maraming preparasyon na kailangan paghandaan.

"Miss Jai anong sunod na schedule ni Vice?" Tanong ko sa bagong secretary ni Vice.

"May meeting po siya with the HR team mamayang 2pm, kayo rin po ba ang aattend?"

"Yes, ako rin. Sama ka na lang sa akin para magtake down ng minutes, okay lang ba?"

"Sure Ma'am Jaki, di naman po ako masyadong busy"

"Sige, maglunch ka na rin muna. Balik na ako sa loob"

Kaninang umaga ko lang yata huling nakita si Vice dito sa opisina. Bukas na rin kasi ang launching ng bagong products nila. May bali-balita pa na may big revelation bukas.

Tinext ko na lang siya na mauna na akong maglunch dahil aattend pa ako ng meeting.

"So far Miss Jaki, maayos po ang result ng survey natin. Maganda ang feedback galing sa employees and no reasons para mag-alala tayo sa kanila" pagbabalita ni Sir Ches.

"Very good pero sana wag tayong pakampante. Nasa adjustment period pa rin tayo dahil sa mataas na turnover nitong nakaraan. Good Job HR" bati ko.

"And according pala kay Vice, you are all invited sa launching bukas. Napirmahan na niya yung memo at ipapadessiminate ko na lang kay Jai mamaya. I hope na makita namin kayo doon" dagdag ko pa bago tapusin ang meeting.

"Hi Love, kumusta ang meeting?" Naabutan kong nagle-late lunch si Vice dito sa office. Pansin kong pagod na siya.

"Maayos naman, ifo-forward ko na lang sayo lahat ng kaganapan sa emails mo. Mukhang pagod ka na, kaya pa ba?" Tinabihan ko muna siya at pinanood kumain.

"Kaya pa naman, may last minute changes kasi kaya medyo panic ako pero kaya pa"

"Wag ka masyadong mag-alala. Kayang kaya mo 'yan" pagchi-cheer ko sa kanya.

"Kayang kaya natin. Para naman wala kang naitulong sa akin"

"Kumain ka lang diyan, trabaho muna ako"

Habang nagtatype ako ng mga nadiscuss sa meeting ay panay ang ring ng cellphone ni Vice. Hindi niya ito sinasagot at binababa lang.

"Baka importante 'yan sagutin mo kaya"

"No, it's not important. Nantitrip lang 'yan" walang ganang sagot niya pero hindi ako nakumbinsi.

Nagligpit siya ng pinagkainan niya kaya nagkaroon ako ng tsansa para kunin ang cellphone sa table.

"Hello Vice?.."

"JAKI!! I told you it's not important" kaagad hinablot ni Vice ang phone niya sa akin.

"I'm sorry" nanlulumong sabi ko.

"Please Jaki, ayokong mag-away tayo ngayon. Please lang" saad ni Vice bago ako iwan sa loob ng opisina.

Di ko napigilan maluha.

Bakit boses babae? Boses babae ang narinig ko.

Sino ba siya? May relasyon ba siya kay Vice? May tinatago ba sa akin si Vice? Niloloko niya ba ako?

"Oh Jaki? Ang aga mo yata?" Nagmano ako kay Nanay Caring pagdating ko sa bahay. Nawalan din kasi ako ng gana magtrabaho kaya maaga na lang ako umuwi.

"Di naman po masyadong busy kaya umuwi na lang ako. Si Jelo po?"

"Nasa taas at nakatulog kanina. Iniwan ko muna saglit dahil umiiyak ang baby ni Amy" tumango lang ako kay Nanay.

"Sige po Nay ako na pong bahala kay Jelo. Salamat po sa pagbabantay" pumanhik na ako sa taas at doon muna nagmukmok.

Love Him FirstWhere stories live. Discover now